26 na kandidata para sa Binibining nueva ecija 2016, napili na sa ginanap na screening sa SM Mega Center the Mall

   37 mga dilag ang sumalang sa 2 araw na screening para sa Binibining Nueva Ecija 2016. Hindi lamang ganda kundi pati na rin ang kanilang dahilan ay inalam ng mga judges at panel sa ginanap na screening para sa Binibining Nueva Ecija 2016 sa conference room ng SM Mega Center.

Sumailalim sa Screening ang mga aspiring candidates ng Binibining Nueva Ecija 2016 na ginanap sa SM Mega Center

Sumailalim sa Screening ang mga aspiring candidates ng Binibining Nueva Ecija 2016 na ginanap sa SM Mega Center

   Bukod sa pag rampa sa kanilang formal wear at swimsuit ay inalam din ng panel ng Binibining Nueva Ecija ang dahilan ng pag sali ng mga kandidata. Kitang kita naman ang pag hahanda ng bawat kandidata para sa screening na ito lalo pa at ang ilan din sa kanila ay ang title holder ng kani-kanilang mga bayan.

Rumampa sa swimwear

Rumampa sa swimwear

At Casual Wear ang mga Kandidata.

At Casual Wear ang mga Kandidata.

   Ang binibining nueva ecija ay isinasagawa taun-taon sa pangunguna na rin ni Former Governor Oyie Umali kung saan sa pag daan ng panahon ay parami ng paraming dilag ang nagnanais na maging parte ng Binibining Nueva Ecija. Sa mga kalahok umabot sa 26 na kandidata ang nakapasok bilang official candidate ng Binibining Nueva Ecija kung saan naka schedule na lumibot sa ibat ibang parte ng Nueva Ecija nag mga kandidata upang mapakita rin ang ganda ng buong  lalawigan

   Ang Grand Coronation ay gaganapin ng 4 pm  September 1 sa Nueva Ecija Convention Center, Palayan City.