Ika-48th taon ng ELJ Hospital, ipinagdiwang; Libreng gupit, masahe at manicure-pedicure, ipinagkaloob

    Naghandog ng libreng gupit, masahe at manicure-pedicure ang Eduardo L. Joson (ELJ) Memorial Hospital sa mga kawani at pasyente bilang pagdiriwang ng ika-apat na pu’t walong taong anibersaryo ng naturang ospital.

   Ayon kay Dr. Jong Abeleda Chief ng ELJ Hospital, ito ay paraan nang pasasalamat sa lahat ng mga katuwang at pinaglilingkuran sa pangangalaga ng kalusugan.

   Katuwang ang Provincial Manpower Training Center o PMTC ay humigit kumulang sa limang daang katao ang nabigyan ng libreng serbisyo. Tuwang-tuwa naman na nagpasalamat ang mga benipisyaryo.

   Bukod, sa mga libreng serbisyo. Namahagi din ng mga libreng kumot para sa mga baby ang ELJ Staff sa maternity ward ng ospital.

   Samantala, katuwang ang Provincial Government, asahan na ng mga novo ecijano ang mas pinaganda at pinamodernong bagong 3 storey building ng ELJ Hospital.

   Sa pahayag ni Doc Abeleda, hindi matatapos ang taon ay sisimulan na ang pagtatayo sa new building.

   Dagdag pa niya, wala naman umanong dapat ipangamba ang mga pasyente dahil tuloy-tuloy pa rin ang serbisyo ng ospital habang itinatayo ang bagong gusali. -Ulat ni Danira Gabriel