Mga Cabanatueñong hindi nakahabol sa deadline ng voter’s registration, nanghihinayang

   Nanghihinayang ang ilang mga Cabanatueñong hindi umano nakaabot sa cut off ng deadline ng voter’s registration noong nakaraang July 30, 2016 para sa Barangay at SK elections na gaganapin sa darating na October 31, 2016.

Binantayan ng mga pulis ang pinto ng Comelec office sa Cabanatuan City sa huling araw ng voter’s registration upang hindi magkagulo ang mga nakapilang Cabanatueño.

Binantayan ng mga pulis ang pinto ng Comelec office sa Cabanatuan City sa huling araw ng voter’s registration upang hindi magkagulo ang mga nakapilang Cabanatueño.

   Alas singko pa lamang umano ng madaling araw noong Sabado ay nagtungo na sa tanggapan ng Commission on Elections sa Cabanatuan City ang anak ni Charina Diaz upang makakuha ng numero sa pila ng mga magpapa-rehistro.

   Ngunit ikinagulat ni aling Charina nang ibalita ng kanya ng anak na nagtakda na raw ng cut-off ang Comelec para sa 350 na kataong magpapa-rehistro, at hindi na sila makakasama dito. Dahil dito ay personal nang nagpunta at dumulog sa nasabing opisina si aling Charina.

   Madaling araw pa lang umano ay pinakuha na ni aling Charina ng numero sa Comelec Cabanatuan ang kanyang anak para sa pila ng registration ngunit hindi na sila nabigyan nito dahil nagcut-off na raw sa 350 katao.

Madaling araw pa lang umano ay pinakuha na ni aling Charina ng numero sa Comelec Cabanatuan ang kanyang anak para sa pila ng registration ngunit hindi na sila nabigyan nito dahil nagcut-off na raw sa 350 katao.

   Ganito rin ang naging karanasan ng mag-amang Roberto at Erica Gamino na hindi rin nakaabot sa sinasabing cut-off ng Comelec Cabanatuan.

   Ayon kay Mang Roberto, kulang sila ng kanyang anak sa impormasyon na magkakaroon ng registration ng mga botante kaya nung huling araw lang ng pagpapa-rehistro sila nagtangkang humabol.

Umaasa naman si Erica at iba pang mga taga-Cabanatuan na magkakaroon ng extension sa kabila ng nauna ng inanunsiyo ng Comelec na wala ng susunod na pagkakataon para sa mga hindi nakapagpa-rehistro.- ulat ni Clariza de Guzman

Ano'ng Tingin Mo?

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s