Buy bust operation nauwi sa engkwentro; Tricycle driver pinagbabaril ng tandem, patay

   Nauwi sa engkwentro ang buy bust operation na isinagawa ng mga elemento ng Aliaga Police Station matapos umanong manlaban ang target ng mga otoridad sa barangay Lapurisima, Aliaga.

Nagtangka umanong manlaban si Kingsley Dizo y Paabot na diumano’y tulak ng illegal na droga, sa mga tumutugis na operatiba kaya ginantihan siya ng mga ito ng putok na kanyang ikinasawi.

Nagtangka umanong manlaban si Kingsley Dizo y Paabot na diumano’y tulak ng illegal na droga, sa mga tumutugis na operatiba kaya ginantihan siya ng mga ito ng putok na kanyang ikinasawi.

   Napatay sa barilan ang suspek na si Kingsley Dizo y Paabot alias King, residente ng Juan Luna St., barangay Imelda, Cabanatuan City, at itinuturong tulak ng ipinagbabawal na gamot.

   Base sa report ng pulisya, 2:30 ng madaling araw nang isakatuparan ang plinanong operasyon ngunit nagtangkang tumakas ang suspek nang maalarma ito na isang pulis ang buyer ng ibinebentang droga.

   Sakay ng kulay itim na Yamaha Mio Soul ay naglabas ng caliber .38 baril si Dizo at pinaputukan ang mga tumutugis na operatiba kaya gumanti ang mga ito na nag-resulta sa agad na kamatayan ng suspek.

   Una rito, naaresto ng mga otoridad si Raval Feliciano y dela Cruz na siyang nagturo kay King na nagtutulak ng illegal na droga.

   Nakuha ng SOCO mula kay Dizo ang dalawang selyadong transparent plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng Php5,000.00, at ang ginamit nitong baril, mula naman sa crime scene narekober ang apat na basyo ng bala ng 9mm.

   Sta. Rosa- patay ang isa na namang tricycle driver makaraang pagbabarilin ng riding in tandem sa kahabaan ng kalsada ng Cabanatuan City-Fort Magsaysay sa Sitio Pag-asa, barangay Mapalad.

   Nakatambay sa terminal ang tricycle driver na si Felix Mateo y Sumait nang pagbabarilin ng tandem sa Imelda, Cabanatuan City.

Nakatambay sa terminal ang tricycle driver na si Felix Mateo y Sumait nang pagbabarilin ng tandem sa Imelda, Cabanatuan City.

   Kinilala ang biktimang si Felix Mateo y Sumait, 38-anyos, may asawa, at residente ng Donya Josefa, Palayan City.

   Ayon sa imbestigasyon ng Sta. Rosa Police Station, at SOCO, 2:30 ng hapon nakaupo sa terminal ng tricycle ang biktima nang dumating ang dalawang suspek at huminto sa harap ng terminal.

   Bigla na lamang umanong pinaputukan ng mga ito ng sunud-sunod ang biktima gamit ang kalibre .45 baril na tinamaan sa likod at batok.- ulat ni Clariza de Guzman.

Ano'ng Tingin Mo?

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s