Officers at Enlisted Personnel ng 7ID na sumalang sa sorpresang Mandatory Random Drug Testing, walang nagpositibo ayon kay Capt. Rozell Ticar

     Inanunsyo ni Capt. Rozell Ticar, Chief ng Division Public Affairs Office, sa harap ng media na walang nagpositibo sa mga opisyales at enlisted personnel ng 7th Infantry Division na sumalang sa sorpresang Mandatory Random Drug Testing na isinagawa sa Fort Ramon Magsaysay, Palayan City.

     Sinabi din ni Capt. Ticar, na dati na nilang isinasagawa sa hanay ng kasundaluhan ang drug testing kung saan isa umano sa kanilang kasamahan ang nagpositibo noon at ngayon ay tinanggal na sa serbisyo.

     Nabanggit din ni Ticar na handa silang makipagtulungan sa kapulisan sakali mang kailanganin ng mga ito ang kanilang tulong para sa mas pinaigting na kampanya laban sa iligal na droga.

     Sorpresang inanunsyo ni MGEN Angelito M. De Leon, ang pagsasagawa ng Mandatory Random Drug Testing sa regular na TaeBo work-out ng mga opisyales at enlisted personnel ng 7 ID noong Hulyo 12.

     Sa mga larawan, makikitang hindi kababakasan ng anumang pangamba ang mga ito na kampanteng pumila upang makiisa sa drug test.

     Maging ang mga Officers on duty tulad ni Capt. Huissein S. Pakilala ay hindi nakalusot sa drug testing.

 

Ano'ng Tingin Mo?

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s