Apartment ng engineer, ninakawan; Tricycle driver pinaulanan ng bala, patay

     Ninakawan ng mga hindi nakilalang kawatan ang apartment na tinutuluyan ng isang engineer sa barangay Quezon District, Cabanatuan City.

Natangay ng ma magnanakaw ang Php 140, 000.00 na halaga ng mga ari-arian ni Engineer Joselito Mangunay sa kanyang apartment sa Sapiandante, Cabanatuan City.

Natangay ng ma magnanakaw ang Php 140, 000.00 na halaga ng mga ari-arian ni Engineer Joselito Mangunay sa kanyang apartment sa Sapiandante, Cabanatuan City.

     Personal na ini-report ni Joselito Mangunay y Abergas isang Civil/ Agricultural Engineer sa otoridad ang insidente sa inuokopahang Number 264 J and L Apartment sa Sapinadante St.

     Ayon kay Engineer Mangunay, 6:00 ng umaga nang matuklasan niyang ninakawan ang kanyang apartment.

     Natangay ng mga salarin ang tatlong aluminum chairs, isang Samsung flat screen TV, isang Samsung tablet, apat na wristwatch, anim na pares ng rubber shoes, isang Go Pro camera, at isang isang CCTV memory box, na nagkakahalaga sa Php 140, 000.00.

     Talavera- patay ang isang tricycle driver matapos paulanan ng bala ng riding in tandem sa Purok 4 ng barangay San Ricardo.

Narekober ng SOCO sa terminal ng tricycle ng San Ricardo, Talavera kung saan pinagbabaril si Aljon Supsup ang 11 basyo ng bala at  piraso ng metal ng hindi pa natutukoy na baril

Narekober ng SOCO sa terminal ng tricycle ng San Ricardo, Talavera kung saan pinagbabaril si Aljon Supsup ang 11 basyo ng bala at  piraso ng metal ng hindi pa natutukoy na baril

     Kinilala ang biktimang si Aljon Supsup y Manalili, 25-anyos, may asawa, at reisdente ng Purok singko ng naturang barangay.

     Base sa imbestigasyon ng Talavera Police Station, 10:45 ng umaga, naglilinis ng kanyang motorsiklo ang biktima sa terminal habang naghihintay ng pasahero nang dumating ang mga suspek na magka-angkas sa isang Honda TMX 155 motorcycle.

    Bigla na lamang umanong pinagbabaril ng tandem ang biktimang tinamaan sa iba’t ibang bahagi ng kanyang katawan.- ulat ni Clariza de Guzman.

Ano'ng Tingin Mo?

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s