7,797 drug personalities, sumuko sa Nueva Ecija; pagtatayo ng Bahay Pag-asa, inaasikaso na ng NEPPO

Sumentro ang usapan ng Provincial Peace and Order Council o PPOC meeting sa pagtatayo ng mga rehabilitation center o bahay pag-asa sa probinsiya ng Nueva Ecija upang ma-accomodate ang libu-libong mga sumuko sa Oplan Tokhang.

Sa pangunguna ni Gov. Cherry Umali, ay dinaluhan ito ng iba’t-ibang ahensiya ng gobyerno, kabilang ang PNP, PDEA, BFP,  AFP, NBI, DOH, DTI, Religious Group at marami pang iba.

Aminado si Provincial Director PS/Supt. Manuel Cornel ng Nueva Ecija Police Provincial Office (NEPPO), na overwhelming ang laki nang bilang ng mga sumuko sa lalawigan. Kaya ngayon, ay puspusan ang kanilang ginagawang hakbang upang mapadali ang pagtatayo ng mga rehabilitation centers.

Sa tala ng NEPPO, mula sa dalawampung araw na pag-iikot ng mga kapulisan sa mahigit tatlong libong bahayan sa lalawigan ay umabot sa mahigit pitong libong katao na sangkot umano sa ilegal na droga ang sumuko sa NEPPO; pitong libo isang daan at siyam na pu’t isa rito ang user; at anim na raan at isa ang pusher.

Dagdag pa ni Cornel, ang mga sumuko ay daraan sa eksaminasyon ng DOH upang malaman kung sino-sino ang mga dapat na maunang sumailalim sa rehabilitasyon.

Sa kasalukuyan ay may nakatayo ng bahay pag-asa sa bayan ng pantabangan. Ngunit, tatlumpung katao lamang ang kayang i-accomodate nito.

Kaya, pinaplantsa na rin ng mga kapulisan ang pagtatayo ng mga rehabilitation centers mula sa probinsiya, pababa sa apat na distrito hanggang sa mga local government units sa bawat bayan at lungsod ng lalawigan sa tulong ng PPOC.

Siniguro naman ni Gov. Cherry Umali ang suporta ng Pamahalaang Panlalawigan sa programa sa pamamagitan ng paglalaan ng pondo para dito sa 2017 budget.

Kaugnay ng kampanya kontra sa ilegal na droga, niluluto na rin ang pagkakaroon ng Drug Summit sa probinsiya. -Ulat ni Danira Gabriel

 

Ano'ng Tingin Mo?

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s