Binata, pinagbabaril habang umiinom sa terminal; Kagawad, patay sa pamamaril ng tandem; 1 pa, sugatan

    Pinagbabaril ng hindi nakilalang suspek ang isang binata habang umiinom sa Central Transport Terminal ng Cabanatuan City.

     Kinilala ang biktimang si Randy Santos y Javier, 35-anyos, construction worker, at residente ng Centerville, barangay D.S Garcia, nga nasabing lungsod.

Nakikipag-inuman sa isang tindahan sa terminal ng Cabanatuan City si Randy Santos nang pagbabarilin ng isang hindi nakilalang suspek.

Nakikipag-inuman sa isang tindahan sa terminal ng Cabanatuan City si Randy Santos nang pagbabarilin ng isang hindi nakilalang suspek.

      Base sa ulat ng pulisya, 10:00 ng gabi nang barilin ng sunud-sunod ng gunman si Santos habang nakikipag-inuman sa harap ng Susan Fruit Stand and Kapihan sa terminal.

      Naglakad lang umano nang tumakas ang suspek matapos na maisagawa ang krimen.

     San Antonio- patay ang isang Barangay Councilor habang sugatan naman ang kasama nito makaraang pagbabarilin ng dalawang hindi nakilalang suspek sa Purok tres, barangay Papaya.

     Nagtamo ng maraming tama ng bala sa katawan na kanyang ikinamatay ang biktimang si Leopoldo Ferrer y Alfanta, 64-anyos, may asawa, kagawad, at Rodolfo Mudlong na nasugatan sa kanyang binti, kapwa naninirahan sa naturang lugar.

Dead on the spot si Kagawad Leopoldo Ferrer ng Barangay Papaya, San Antonio matapos magtamo ng maraming tama ng bala matapos ratratin ng tandem.

Dead on the spot si Kagawad Leopoldo Ferrer ng Barangay Papaya, San Antonio matapos magtamo ng maraming tama ng bala matapos ratratin ng tandem.

     Batay sa imbestigasyon ng mga otoridad, 9:00 ng gabi  nag-iinuman sa harap ng bahay ni Tony Yola ang dalawa kasama ng mga kaibigang sina Isidro Pablo, Ernesto Padilla, at Manuel Niro nang huminto sa kanilang harapan ang isang itim na kotse kung saan bumaba ang dalawang hindi nakilalang lalaki at bigla na lamang pinaputukan sina Ferrer at Mudlong.

     Dinala sa isang ospital sa Cabanatuan City si Mudlong habang pansamantalang inilagak naman sa Mayflower Funeral Parlor ang bangkay ni Kagawad Ferrer.

     Narekober ng SOCO sa crime scene ang sampong basyo ng bala ng Carbine .30, at dalawang basyo para sa calibre 5.56.- ulat ni Clariza de Guzman.