Persons With Disability Affairs Office, pinasinayaan sa New Capitol, Palayan City

Gov Cherry Umali, kasama ang mga miyembro ng PWD-NE.

Gov Cherry Umali, kasama ang mga miyembro ng PWD-NE.

     “Karapatan ng may Kapansanan, isakatuparan..now na!” Ito ang naging tema ng Ika-38th taon pagdiriwang ng National Disability Rehabilitation Week ngayong taon, bilang pagpapahalaga ng Pamahalaang Panlalawigan sa pangunguna ni Gov. Cherry Umali sa sektor ng mga taong may kapansanan ay binigyan nila ng sariling opisina na tinatawag na Persons With Disability Affairs Office ang Persons With Disability o PWD sa loob ng New Capitol, Palayan City.

      Ayon kay Rodolfo Mendoza Presidente ng Nueva Ecija Association of Person With Disability, natatanging ang Provincial Government ng Nueva Ecija pa lang ang naglaan ng opisina para sa mga PWD.

     Tiwala si Mendoza na sa tulong ng Provincial Government ay sunod-sunod na ang pagsasakatuparan ng mga proyektong nakalinya, upang mapahusay at mapaunlad ang buhay ng mga katulad nilang may kapansanan.

     Emosyunal na nagpasalamat si Mendoza kay Gov. Umali sa suportang ipinagkaloob sa PWD. -Ulat ni Danira Gabriel

Ano'ng Tingin Mo?

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s