Hinihinalang tulak ng droga, patay sa sagupaan vs mga pulis

     Bumulagta ang isang lalaking hinihinalang tulak ng droga, matapos itong makipagbarilan sa mga pulis na nakaposte sa Guimba-Pura Road sa Barangay San Rafael, bayan ng Guimba.

     Nakilala ang suspek na si Rufino Avila Jr y Ramos, alyas Rufing, 35 anyos, hiwalay sa asawa, at residente ng Barangay Saranay, ng naturang bayan.

     Sa ulat ng otoridad, habang nagsasagawa ng checkpoint ang kapulisan ng Guimba Police Station ng mapadaan ang suspek sakay ng isang Racal Motorcycle na walang plaka.

     Sa halip na huminto ang suspek sa checkpoint ng parahin ito ng mga pulis ay agad umano itong naglabas ng baril at pinaputukan ang mga nakaposteng pulis.

     Gumanti naman ang kapulisan ng pagpapaputok ng baril na naging dahilan upang maigupo ang suspek at malaglag mula sa minamanehong motorsiklo na naging sanhi ng kamatayan nito.

     Narekober mula sa crime scene at sa suspek ang isang caliber 38 revolver na loaded ng 2 live ammunitions at apat na basyo ng bala, isang sling bag na naglalaman ng isang kalibre 38 baril na loaded ng apat na live ammunitions at dalawang basyo ng bala, 11 plastic sachets ng shabu, dalawang piraso ng disposable lighter, isang maliit na kahon na naglalaman ng mga empty plastic sachet.

     Natagpuan din sa crime scene ang anim na basyo ng bala ng 5.56 mm.

     Napag-alamang kabilang ang suspek sa drug watchlist ng Guimba Municipal Police Station at sa mga gun for hire activity. -Ulat ni Shane Tolentino

Ano'ng Tingin Mo?

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s