Sta. Rosa PNP, sumalang sa mandatory drug testing

     Bilang bahagi ng mahigpit na kampanya ni Pangulong Rodrigo Duterte laban sa ilegal na droga, sumailalim sa mandatory drug testing ang mga kapulisan ng Sta Rosa Police Station.

Tinawag ni PS/Insp. Jeffrey Alivia, na internal cleansing ang programang ito.

     Ang sinumang pulis na mapapatunayan na nag-positibo sa paggamit ng ipinagbabawal na gamot ay isasalang sa drug confirmatory test, bago maharap sa kasong administratibo at mapatalsik sa pwesto.

     Dagdag pa ni Alivia, kung sakali na may mapatunayan na may gumagamit ng ilegal na droga sa hanay ng kanyang kapulisan, ay hindi umano siya mangingimi na tanggalin sa serbisyo ang mga adik na opisyal.

     Sa kabuuan ay 90 tauhan ng Sta Rosa pnp na sumailalim sa drug testing, 81 Police Officer, 5 Non-Uniformed Personnel (NUP) at 4 na miyembro ng Philippine National Police Academy (PNPA).

     Nilinaw ni Alivia, na nauna na siyang sumailalim sa mandatory drug testing noong nakaraang linggo, kasabay ng iba pang mga hepe ng kapulisan sa Region III. Base sa resulta, ay negatibo siya sa ilegal na droga.

     Samantala, suportado ni Mayor Marita Angeles ang mga programa kontra sa ilegal na droga sa naturang bayan.

     Aniya, mismong siya ay handang sumalang sa drug testing kasama ang mga kapwa kawani sa munisipyo.

     Hindi rin umano siya magdadalawang isip na tanggalan ng trabaho ang sinumang empleyado na magpopositibo sa paggamit ng ipinagbabawal na gamot. -Ulat ni Danira Gabriel

Ano'ng Tingin Mo?

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s