Dalagita, isang linggong nawawala; Bangkay ng babae, natagpuang palutang-lutang sa irigasyon

     Nawawala at isang linggo na ngayong pinaghahanap ng kanyang mga magulang si Rhona Marie Pineda ng barangay Bangad, Cabanatuan City.

     Huling nakita si Rhona noong 9:00 ng umaga, June 27, 2016 na nakasuot ng jeans at kulay gray T-shirt.

Ang larawan ni Rhona Marie Pineda na pinaghahanap ng kanyang pamilya.

Ang larawan ni Rhona Marie Pineda na pinaghahanap ng kanyang pamilya.

     Sa sinumang may impormasyon tungkol sa dalagita, kumontak at ipagbigay-alam sa mga numerong 0943-0043-808 at 0906-5222-686.

     Guimba- Natagpuang palutang-lutang ang bangkay ng isang hindi pa nakikilala babae sa irrigation canal sa barangay Agcano, Guimba.

     Ang larawan ng bangkay ng babaeng natagpuang palutang-lutang sa irigasyon sa Agcano, Guimba.

Ang larawan ng bangkay ng babaeng natagpuang palutang-lutang sa irigasyon sa Agcano, Guimba.

     Tinatayang nasa edad 50 hanggang 60-anyos ang babae, may taas na 5’7, katamtaman ang pangangatawan, nakasuot ng itim na T-shirt, at putting short pants.

     Nakatali ng alambre na nakabalot ng packaging tape at clear plastic ang mga kamay at leeg nito.

     Nakalagak ang biktima sa Gamalinda Funeral sa Saranay District ng bayang nabanggit.

 

Ano'ng Tingin Mo?

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s