Senior BM Padilla, naupong presiding officer sa unang araw ng sesyon ng SP

     Pinangunahan ni Senior Board Member Rommel Padilla ang unang sesyon ng Sangguniang Panlalawigan ng Nueva Ecija matapos ang halalan at opisyal na maluklok sa pwesto noong June 30, 2016 ang mga nanalong kumandidato. Hindi umano nakadalo sa sesyon si Vice Governor Jose Gay Padiernos dahil masama ang pakiramdam nito.

Naunpong Presiding Officer si Senior Board Member Rommel Padilla sa unang araw ng sesyon ng Sangguniang Panlalawigan dahil masama umano ang pakiramdam ni Vice Governor Jose Gay Padiernos kaya hindi ito nakadalo.

     Ayon kay First District Board Member Padilla, inaprubahan lang ng Committee of the Whole ang adaption ng internal rules ng Sangguniang Panlalawigan kung saan nagkaroon aniya ng pagbabago sa oras ng kanilang pagpupulong na mula sa dating alas dos ng hapon ay gagawin ng alas nueve ng umaga tuwing araw pa rin ng Lunes.

     Planong pagtuunan ng pansin ni Bokal Padilla ang mga ordinansa kaugnay sa agrikultura, peace and order ng lalawigan kasama ang curfew.

Bago mag-sesyon, nagbigay galang muna ang mga miyembro ng Sangguniang Panlalawigan ng Nueva Ecija kay Governor Czarina “Cherry” Domingo Umali. (photo courtesy of Apet Cruz)

Bago mag-sesyon, nagbigay galang muna ang mga miyembro ng Sangguniang Panlalawigan ng Nueva Ecija kay Governor Czarina “Cherry” Domingo Umali. (photo courtesy of Apet Cruz)

    Sa isyu ng pulitika, bagaman nasa panig ng oposisyon ay nakahanda raw siyang makipagtulungan sa administrasyon.

     Si Board Member Padilla ay balik Sanggunian pagkaraang magwagi sa nakaraang eleksyon sa botong 149,937 sa unang distrito ng Nueva Ecija, pinaka mataas na bilang ng boto sa lahat ng nanalong bokal kaya nakuha nito ang posisiyon ng Senior Board Member. Taong 2007, naluklok na rin siya at naupong miyembro ng SP sa loob ng isang termino at tumakbo sa pagka-bise gobernador noong 2010 ngunit nabigo sa nakalabang si Vice Gov. Padiernors.-ulat ni Clariza de Guzman