Turista at namamanata , dumagsa sa Taong Putik Festival

     Sa iba’t ibang parte ng Pilipinas ay may kakaibang paraan ang mga Pilipino upang ipagdiwang ang Pag sa-San Juan o feast of Saint  John the Baptist. Isa sa pinaka kilalang paraan upang ipagdiwang ito ay ang pagbubuhos ng tubig sa mga tao.

Daan-daang mga deboto ang dumagsa sa Taong Putik Festival para sa taong 2016

Daan-daang mga deboto ang dumagsa sa Taong Putik Festival para sa taong 2016

Ang kanilang mga nailimos na kandila at barya ay gagamnitin upang mag alay ng kandila

Ang kanilang mga nailimos na kandila at barya ay gagamnitin upang mag alay ng kandila

Pagkatapos mag bahay-bahay ay pumupunta sa simbahan ang mga deboto upang mag dasal

Pagkatapos mag bahay-bahay ay pumupunta sa simbahan ang mga deboto upang mag dasal

Ayon sa mga deboto ang pag ta-taong putik ay kanilang gagawin hanggang kaya ng kanilang katawan

Ayon sa mga deboto ang pag ta-taong putik ay kanilang gagawin hanggang kaya ng kanilang katawan

 Sa Aliaga, Nueva Ecija madaling araw ng June 24 ay mag papahid ng putik ang mga deboto at magsusuot ng tuyong dahon at magpupunta sa mga bahay-bahay upang humingi ng barya o kaya naman ay kandila na kanilang itutulos sa Simbahan, Ayon sa mga mamamayan ang tradisyon na ito ay nakagisnan na ng bawat isa at patuloy pa ring ginagawa hanggang ngayon at naipapasa na rin sa susunod na henerasyon.

Maging ang mga kabataan ay sumasali rin sa tradisyon ng Pag sa-San Juan

Maging ang mga kabataan ay sumasali rin sa tradisyon ng Pag sa-San Juan

Taimtim na nag darasal ang mga deboto upang magpasalamat at humiling kay Apo San Juan

Taimtim na nag darasal ang mga deboto upang magpasalamat at humiling kay Apo San Juan

     Bukod sa mga turista at deboto. Dumadagsa din ang mga tindera mula sa ibang mga bayan upang ibenta ang kanilang mga produkto.

     Katulad na lamang ni ate Juliet na mula sa Gapan City na matagal nang nag bebenta tuwing  Taong putik festival.

May mga ibinebenta rin na mga Rosario at imahe na galling pa sa mga mangangalakal sa ibang lugar

May mga ibinebenta rin na mga Rosario at imahe na galling pa sa mga mangangalakal sa ibang lugar

     Ayon naman kay Doc Joey Sinchioco  na lumibot sa aliaga upang  bisitahin ang taong putik festival maaaring sumali din sila sa festival  sa susunod na taon.

Maging ang mga turista sa lugar ay nahuhumaling din na sumali sa Taong Putik Festival ng Aliaga

Maging ang mga turista sa lugar ay nahuhumaling din na sumali sa Taong Putik Festival ng Aliaga

    Para naman sa mga deboto matagal na itong parte ng kanilang buhay. Katulad kay Erwin Sarezo  na ilang taon nang nag sa-San Juan.

Ayon kay Erwin, ang pakiki isa sa Pag sa-San Juan ay kanyang deboto na gagawin nya habang sya ay nabubuhay

Ayon kay Erwin, ang pakiki isa sa Pag sa-San Juan ay kanyang deboto na gagawin nya habang sya ay nabubuhay

Kung noon ay bukas ito para sa mga aliagenyo marami na ring turista ang nag ta taong putik upang humiling kay san juan

Kung noon ay bukas ito para sa mga aliagenyo marami na ring turista ang nag ta taong putik upang humiling kay san juan

      para sa ibang deboto ang pag sa san juan o taong putik ay isang debosyon at paraan din upang humiling kay Apo San Juan. – Ulat ni Amber Salazar

Ano'ng Tingin Mo?

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s