NUJP-NE: hindi makatarungang pumatay ng mga media kahit korap

Ang bukas na liham ng National Directorate ng National Union of Journalists of the Philippines kay President-elect Rodrigo Duterte.

Ang bukas na liham ng National Directorate ng National Union of Journalists of the Philippines kay President-elect Rodrigo Duterte.

     Naninindigan ang National Union of Journalists of the Philippines na hindi makatarungang patayin ang isang mamamahayag dahil sa pagiging korap kontra sa mga binitawang salita ni President-elect Rodrigo Duterte.

     Sa isang open letter para kay President-elect Duterte, ipinahayag ng NUJP-National Directorate ang saloobin sa isyu ng media killings sa bansa.

     Inaaamin ng NUJP na totoong mayroong mga korap na media at dahil dito sila ay napapatay. Sumasang-ayon din ang unyon na kahit ang mga matitinong journalist na nagsisiwalat ng katotohanan ay hindi rin nakakaligtas at pinapaslang.

     Kaugnay nito, sumusuporta ang NUJP-Nueva Ecija Chapter sa pangunguna ng broadcaster na si Sonia Capio, sa paniniwala ng mga kasamahan na anuman ang dahilan ay hindi makatarungang patayin ang sinumang media.

Ang mga miyembro at opisyales ng NUJP- Nueva Ecija Chapter habang nanunumpa sa tungkulin  sa harap ni NUJP Secretary General Dabet Castañeda-Panelo.

Ang mga miyembro at opisyales ng NUJP- Nueva Ecija Chapter habang nanunumpa sa tungkulin
sa harap ni NUJP Secretary General Dabet Castañeda-Panelo.

     Ang Pilipinas ay pang-apat sa pinaka delikadong lugar sa mundo para sa mga mamamahayag. Mula taong 1986, umaabot na sa 174 na media ang pinatay. Isa sa mga itinuturong sanhi ng pagiging korap ng mga media ay ang kakulangan sa kita dahil kadalasang mababa ang sweldo ng mga mamamahayag, at karamihan ay kontraktuwal.

     Sa pag-upo ni President-elect Duterte, isa sa mga pangakong inaasahan ng NUJP na kanyang tutuparin ang pagpapatigil sa kontraktuwalisasyon.

     Hindi rin papatol ang NUJP sa hamon ng halal na pangulo na siya i-boycott dahil sa sinumpaang tungkulin na maihatid ng mahahalagang impormayon sa mamamayan sa pamamagitan ng pamamamahayag. – ulat ni Clariza de Guzman

Ano'ng Tingin Mo?

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s