Binata, ninakawan ng mga lahas at gadgets; Tulak ng shabu, patay sa pamamaril; Akyat-bahay umatake; Php 150,000.00 na cash, nakulimbat

Ang harap ng inuupahang unit ni Glenn Sanchez sa San Josef Sur, Cabanatuan City na nilooban ng mga hindi nakilalang suspek.

Ang harap ng inuupahang unit ni Glenn Sanchez sa San Josef Sur, Cabanatuan City na nilooban ng mga hindi nakilalang suspek.

     Nanakawan ng iba’t ibang klase ng alahas at mga gadgets ang isang binata sa loob ng kanyang tinitirahan sa Lot 8, Unit 3, NIC Residences, sa barangay San Josef Sur.

     Personal na iniulat ng biktimang si Glenn Sanchez, 22-anyos, at isang businessman ang insidente sa otoridad.

     Ayon kay Sanchez, 12:00 ng tanghali nang matuklasan niyang pinasok ng mga hindi nakilalang suspek ang kanyang tahanan.

    Sinira ng mga kawatan ang steel grill ng bintana sa harap ng bahay ng biktima at itinakas ang mga personal na gamit ng biktima na hindi pa natutukoy kung magkano ang halaga.

     San Isidro- isa na namang tulak at sinasabing gumagamit din ng shabu ang naitala sa listahan ng pulisya na pinatay sa pamamaril sa Gapan-Olongapo Road sa Purok kwatro ng barangay Malapit.

     Kinilala ang napaslang na biktimang si Nestor Reyes y Garcia, alias “Estong”, 40, ma

Inakala ni Lorenzo na sumabog ang gulong ng tricycle na sinasakyan nang makarinig ng dalawang putok, nagulat na lamang siya ng makitang duguan at walang mala yang kapatid na Estong.

Inakala ni Lorenzo na sumabog ang gulong ng tricycle na sinasakyan nang makarinig ng dalawang putok, nagulat na lamang siya ng makitang duguan at walang mala yang kapatid na Estong.

y asawa, huling tinutuluyan nito ay sa barangay San Roque ng nabanggit na bayan.

    Inakala ni Lorenzo na sumabog ang gulong ng tricycle na sinasakyan nang makarinig ng dalawang putok, nagulat na lamang siya ng makitang duguan at walang mala yang kapatid na Estong.

     Sa salaysay ni Lorenzo Reyes, kapatid ng biktima, 5:10 ng madaling araw, magkasama sila ni Estong sa isang tricycle papuntang Gapan City para mamili nang makarinig sila ng dalawang putok.

     Akala umano niya ay sumabog ang gulong ng kanilang sasakyan ngunit nabigla na lamang siya ng makitang duguan ang kanyang kapatid at walang malay na dumausdos sa harap ng tricycle.

     Jaen- magulo at nakakalat ang mga gamit nang magisnan ng isang ginang ang kanilang silid sa barangay Magsalisi na pinaniniwalaang nilooban ng akyat-bahay.

Umaabot sa Php 150, 000.00 na cash kabilang ang 2 cellphones at Tab ang naitakas ng akyat-bahay na umatake sa kwarto ni Janette Guevarra sa Magsalisi, Jaen.

Umaabot sa Php 150, 000.00 na cash kabilang ang 2 cellphones at Tab ang naitakas ng akyat-bahay na umatake sa kwarto ni Janette Guevarra sa Magsalisi, Jaen.

     Nakulimbat ang dalawang unit ng Samsung cell phones ng biktimang si Janette Guevarra, 41-anyos, kabilang ang isang Samsung Tab 3, at mahigit kumulang Php 150, 000.00 na pera.

     Nadiskubre sa imbestigasyon ng mga otoridad na nakapasok ang mga kawatan sa sliding window sa likod ng bahay.- ulat ni Clariza de Guzman.

Ano'ng Tingin Mo?

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s