School supplies, ipinamahagi ng Phil Army sa mga estudyante ng Bagong Buhay Elementary School

Bitbit ang mga School Supplies, ay ipinamahagi ng Army Artillery Regiment ng Philippine Army ang mga gamit pang eskwela sa mga estudyante ng Bagong Buhay Elementary School, Cabanatuan City.

Ayon kay Commanding Officer Gasanara Sultan ng 5th Field Artillery Battalion, batid nila ang kakulangan sa mga gamit pang-eskwela ng mga mag-aaral ng Bagong Buhay Elementary School.

Ang programa ay sa ilalim ng adopt-a-barangay ng Philippine Army, na naglalayong matulungan ang mga eskwelahan na nangangailangan ng tulong o suporta mula sa gobyerno.

Dagdag pa ni Sultan, ang pondo ay nagmula sa natirang budget sa 1st quarter ng operational expenses ng kanilang batalyon, ngayong taon.

Mahigit sa isang daang mag-aaral mula Kinder hanggang Grade 6 ang nakatanggap ng mga sapatos at school supplies.

Nakasilid sa bawat plastic envelope ang mga notebooks, lapis, papel, crayons at iba pa.

Bukod sa mga bata, nakatanggap din ang kanilang mga magulang ng libreng tsinelas at payong.

Aminado si Acting Principal Mofel Panahon, na halos pitumpung porsyento ng kanilang mag-aaral ay hirap sa pinansiyal na aspeto. Kaya’t lubos ang kanyang naging pasasalamat sa mga Sundalo.

Bukod sa Gift Giving, nagkaroon din ng moa signing sa pagitan ng 5th Field Artillery Battalion at Brgy. Bagong Buhay. Kung saan, nakapaloob sa kasunduan na prayoridad ng 5th FAB ang pagtulong sa naturang barangay. -Ulat ni Danira Gabriel

Ano'ng Tingin Mo?

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s