Cigarette Graphic Health Warnings, wala umanong epekto sa ilang naninigarilyo

Sa kabila ng pagtataas ng presyo ng mga sigarilyo sa bisa ng Sin Tax Law na ipinatupad noon hanggang sa paglalagay ng mga Graphic Health Warnings sa mga pakete ng sigarilyo ay hindi natinag sa paninigarilyo ang ilan sa mga cigarette smokers.

Apatnapung taon na umanong naninigarilyo si Mang Maximo Dela Fuente ngunit walang anumang pagtaas ng presyo o larawan ang nakapagpahinto sa kanya sa paninigarilyo.

Katwiran ni Mang Maximo, wala pa naman aniya siyang nararamdamang sakit sa kanyang katawan kaya hindi nito itinitigil ang kanyang bisyo.

Hindi rin naapektuhan ng mga Graphic Health Warning upang tumigil na sa bisyo si Mang Rey na tatlumpong taon ng naninigarilyo.

Ayon dito, umaabot lamang ng walong stick ng sigarilyo ang kanyang nakukunsumo sa isang araw at aniya kahit hindi naninigarilyo ay nagkakasakit din naman ang tao.

Hirap naman si Mark Pineda na itigil ang paninigarilyo kahit pa may hatid na banta sa kalusugan ang sigarilyo.

Nabawasan naman sa pagkunsumo ng sigarilyo si Mang Jun dahil sa takot na magkaroon ng sakit dulot ng paninigarilyo.

Kung dati ay nakakaisang kaha ito ng sigarilyo sa isang araw, ngayon ay kalahating kaha na lamang umano ang kanyang nakukunsumo