Pagpapa-Unlad ng Turismo sa Bayan ng Peñaranda, tututukan ni Mayor Ferdinand Abesamis

     Naniniwala si Mayor Ferdinand “Blueboy” Abesamis na tiwala ang mamamayan ng Bayan ng Peñaranda sa kanyang matapat na panunungkulan at programa, kaya siya pa rin ang pinili ng taong bayan upang iluklok bilang ama ng naturang lugar.

     Sa kanyang ikatlong termino ay pagtutuunan aniya ng pansin ang pagpapasigla ng turismo ng kanilang bayan, kung saan plano nitong idevelop ang kanilang Irrigation System upang maging ganap na tourist attraction sa kanilang lugar.

Sa ikatlong termino ni Mayor Ferdinand “Blueboy” Abesamis, plano nitong pagtuunan ng pansin ang Peñaranda River Irrigation System upang maging Tourist Attraction ng Bayan ng Peñaranda.

Sa ikatlong termino ni Mayor Ferdinand “Blueboy” Abesamis, plano nitong pagtuunan ng pansin ang Peñaranda River Irrigation System upang maging Tourist Attraction ng Bayan ng Peñaranda.

     Maliban sa kanilang maipagmamalaking mga produkto na kagaya ng Budang Laking Ispasol, Budang Laking Putong Puti at Budang Laking “Rattan Rocking Chair” na naitampok sa taunang selebrasyon ng pagkakatatag ng kanilang bayan, ay maaari din aniyang makaakit ng mga turista ang kanilang idedevelop na  Irrigation System upang tunguhin ang kanilang bayan.

     Mula sa bahaging itaas ng Irrigation System ay matatanaw ang kahabaan ng Peñaranda River na maaaring pagganapan ng mga water activities.

    Noong nakaraang taon, naging bahagi ng selebrasyon ng Kapistahan ng Krus ng Barangay San Josef ng naturang bayan ang Irrigation System kung saan ginanap ang kauna-unahang karera ng Balsa, na nagbigay ng kakaibang karanasan sa mga mamamayan nito.

    Inihayag din ng Alkalde ang kanyang agresibong pagsuporta sa pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan sa pamamagitan ng pagsawata sa talamak na ipinagbabawal na droga. -Ulat ni Shane Tolentino