PAMBATO NG BARANGAY SAN JOSEF, KINORONAHAN BILANG MUTYA NG PEÑARANDA 2016

Itinanghal bilang Mutya ng Peñaranda si Ma. Roscelli S. Pinacate mula sa Brgy. San Josef kung saan isinalin naman ni Mutya ng Peñaranda 2015 Pamela Biernes ang korona.

Itinanghal bilang Mutya ng Peñaranda si Ma. Roscelli S. Pinacate mula sa Brgy. San Josef kung saan isinalin naman ni Mutya ng Peñaranda 2015 Pamela Biernes ang korona.

     Nangibabaw mula sa 10 binibining lumahok sa Mutya ng Peñaranda ang 19 na taong gulang mula sa Brgy. San Josef na si Ma. Roscelli S. Pinacate.

     Si Roscelli ay kapatid ng dating naging Mutya ng Peñaranda 2012 na si Marie Gellie S. Pinacate na naging kinatawan din sa Binibining Nueva Ecija 2012.

     Kauna-unahang pagkakataon ng dalaga na sumali sa malakihang kompetisyon ng pagandahan.

     Ayon sa kanya, tanging pangarap niya ay maging isang psychologist na nasimulan na niya nang makapagtapos ng kursong Bachelor of Science in Psychology sa The National Teachers College sa Quiapo Manila noong Marso, taong kasalukuyan.

     Si Roscelli ang magiging kinatawan ng Binibining Nueva Ecija 2016 na ilulunsad ng pamahalaang panlalawigan na gaganapin sa selebrasyon ng ika-isang daan at dalawampung taong pagdiriwang ng Unang Sigaw ng Nueva Ecija.

Sampung kandidata mula sa ibat ibang barangay, nagpatalbugan sa kanilang Swimwear Attire.

Sampung kandidata mula sa ibat ibang barangay, nagpatalbugan sa kanilang Swimwear Attire.

     Samantala, kitang-kita rin sa mga lumahok ang determinadong manalo sa patimpalak.

     Nagpatalbugan sa kanilang casual wear, swim wear at long gown.

     Nagningning sa kanyang kasuotan si Candidate number 7, Giea Gorostiza na naiuwi ang dalawa sa major award, ang Best in Swim Wear at Best in Long Gown habang natanggap naman ni Candidate Number 8, Hazel P. Madrid ang Best in Casual Wear at naipanalo ang Mutya ng Peñaranda  3rd Runner-up.

     Hinirang naman bilang 1st Runner-up ang pambato ng Brgy. 3 na si Anna Katrina A. Yabut habang 2nd runner-up ang pambato ng Brgy. 4 na si Jhasmine Mae M. Gallego. – Ulat ni Shane Tolentino