Subcontractor, nilikida; Naaagnas na bangkay ng lalaki, natagpuan

     Patay ang isang subcontractor makaraang pagbabarilin ng hindi nakilalang gun man sa barangay Rizal Sta. Rosa.

   Kinilala ang biktimang si Emilito Soliman y Ramirez, 45-anyos, may asawa, at residente ng Primavera Homes, barangay Sumacab, Cabanatuan City.

Naabutan ng gun man ang subcontractor na si Soliman Ramirez sa likod ng CVC building sa Rizal, Sta. Rosa na tumakbo habang binabaril.

Naabutan ng gun man ang subcontractor na si Soliman Ramirez sa likod ng CVC building sa Rizal, Sta. Rosa na tumakbo habang binabaril.

   Habang ang suspek ay inilarawang bilugan ang pangangatawan, kayumanggi ang kutis, naka-maluwang na sumbrero, nakasuot ng kupasing blue jacket, at maong pants.

     Sa report ng Sta. Rosa Police Station, 11:15 ng umaga, pagbaba ng sasakyan ng biktima ay bigla na lamang itong sinundan ng isang lalaki at binaril ng sunud-sunod sa likuran gamit ang isang caliber .9mm.

     Nagawa pang makatakbo palayo ni Soliman bagama’t sugatan ngunit hinabol ito ng suspek hanggang makarating sila sa likod ng CVC building katabi ng CITI Mall kung saan muli siyang pinaputukan ng lalaki hanggang bawian ng buhay.

     Samantala- naaagnas na ang bangkay ng isangg lalaki na natagpuang palutang-lutang sa sapa ng Sitio Pilang barangay Inspektor, bayan pa rin ng Sta. Rosa.

 Pinagsasaksak sa likod at nilaslas sa leeg ang lalaking natagpuang palutang-lutang sa sapa sa Inspektor, Sta. Rosa.

Pinagsasaksak sa likod at nilaslas sa leeg ang lalaking natagpuang palutang-lutang sa sapa sa Inspektor, Sta. Rosa.

     May dalawang saksak sa likod at laslas ang leeg ng biktima na nasa edad 35-, may taas na 5’5, may “Superman” na tattoo sa kanang balikat, nakasuot ng black shorts at t-shirt.

     Ayon sa imbestigasyon ng pulisya, 10:00 ng umaga, nang madiskubre ng grupo ng mga kabataang lalaki ang bangkay habang nanghuhuli sila ng ibon sa naturang lugar.

     Narekober ng SOCO sa labi ng biktima na inilagak sa Buenaventura Funeral Homes ang isang sing-sing, at dalawang pisong barya.  – ulat ni Clariza de Guzman.

Ano'ng Tingin Mo?

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s