Mga pagkaing gawa sa Soybean, ipinatikim ng Golden Beans and Grains Producers Cooperative

Kakaibang soya sisig, soya lumpia, soya baruya, ilan lamang iyan sa mga produktong inihain ng Golden Beans and Grains Producers Cooperative sa isinagawang Farmers Field Day, kamakailan.

Dumalo sa nasabing okasyon ang iba’t-ibang ahensyang sumusuporta sa GBGPC na nagpahayag ng kanilang paghanga sa narating ng Kooperatiba sa loob ng tatlong taong pagkakatatag nito.

Ipinatikim ng Golden Beans and Grains Producers Cooperative sa iba’t-ibang ahensyang sumusuporta sa kanila ang mga produktong hango sa soybeans, kabilang ang kauna-unahang Pandesoy na mataas sa protina.

Ipinatikim ng Golden Beans and Grains Producers Cooperative sa iba’t-ibang ahensyang sumusuporta sa kanila ang mga produktong hango sa soybeans, kabilang ang kauna-unahang Pandesoy na mataas sa protina.

Ilan sa mga ahensyang ito ay ang Department of Agriculture Regional Office, PHILMECH, Cooperative Development Authority Regional Office, Department of Agrarian Reform Provincial Office, Department of Trade and Industry Provincial Office, DOST Provincial Office, CLSU Research Office, High Value Crops Development Program Regional Office at iba pa.

Ayon kay Dr. Leonilo Dela Cruz, Chairman ng Golden Beans and Grains Producers Cooperative, mula ng siya ay maging Cancer Survivor ay naging adbokasiya na nito ang mapalawak ang produksyon ng soybean sa Lalawigan dahil nakatutulong ito upang mapigilan ang cancer sa katawan.

Nakatutulong ang soybeans sa pagpigil sa mga sakit tulad ng Cancer, Osteoporosis, Diabetes, at Heart Diseases.

Nakatutulong ang soybeans sa pagpigil sa mga sakit tulad ng Cancer, Osteoporosis, Diabetes, at Heart Diseases.

Dagdag nito, maliban sa sakit na cancer, nape-prevent din ng soybeans ang pagkakaroon ng mga sakit na Osteoporosis, Diabetes, Heart Diseases, at iba pang sakit.

Ipinatikim din ng GBGPC ang kauna-unahang pandesoy o pandesal na gawa sa soybean, na may mas mataas umanong protina kumpara sa mga karaniwang pandesal sa mga panaderya.

Mabibili na rin sa merkado ang iba pang produkto ng naturang Kooperatiba tulad ng Soy Pastillas, Soya Milk, Soy Polvoron, at 3 in 1 Soya Roast.

Sa kasalukuyan ay nasa walumput dalawa na ang miyembro ng GBGPC at bukas ito para sa mga Novo Ecijanong nagnanais mapabilang dito.

Ano'ng Tingin Mo?

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s