Governor Umali, magpa-file ng election protest

Si Governor Aurelio Umali habang nagpapakuha ng larawan kasama ang mga empleyado ng Pamahalaang Panlalawigan.

Si Governor Aurelio Umali habang nagpapakuha ng larawan kasama ang mga empleyado ng Pamahalaang Panlalawigan.

     Inihayag ni Governor Aurelio Umali sa kanyang unang pagharap sa media matapos ang eleksyon, ang paghahain ng election protest sa House of Representatives Electoral Tribunal.

     Matatandaan na iprinoklama ng Provincial Board of Canvassers na nanalo bilang kongresista ng 3rd district ng Nueva Ecija ang nakalabang kandidato ni Umali na si Ria Vergara sa lamang na 2,579 votes.

     Ayon kay Governor Umali, inirerespeto niya ang naging resulta ng halalan ngunit nais niyang isiwalat sa mamamayan ang dahilan kung paano siya natalo ng katunggali.

     Ang Provincial Board of Canvassers ng Nueva Ecija sa pamumuno ni PES Atty. Jovencio Balanquit.

Ang Provincial Board of Canvassers ng Nueva Ecija sa pamumuno ni PES Atty. Jovencio Balanquit.

Ang Provincial Board of Canvassers ng Nueva Ecija sa pamumuno ni PES Atty. Jovencio Balanquit.

     Sa limang bayan at dalawang lungsod na nasasakupan ng 3rd district ng lalawigan ay humakot ng kabuuang 130,677 na boto si Gov Oyie,  panalo siya sa mga bayan ng Sta. Rosa, General Natividad, Bongabon, Laur, Gabaldon at Palayan City pwera sa Cabanatuan. Habang si Vergara ay nakakuha ng 133, 256 votes sa buong ikatlong distrito.- ulat ni Clariza de Guzman