Ilang magsasaka sa Cabanatuan City, nangangamba sa pagdating ng La Niña

     Kung ang ibang magsasaka na umaasa lamang sa tubig ulan para mapatubigan ang kanilang mga sakahan ay inaabangan ang pagpasok ng La Niña, may iba namang nangangamba sa pagdating nito dahil sa malaking volume ng tubig na maaaring magdulot ng pagbaha.

     Maaga pa lamang ay nakahanda ng magsimula sa bukirin si Mang Midel Badahos ng Barangay Valle Cruz, upang hindi abutin ng La Niña ang kanilang mga itatanim na palay dahil sa pangambang bumaha.

Pinangangambahan ng ilang mga magsasaka sa Cabanatuan City ang pagdating ng La Niña dahil sa bahang maaaring maidulot nito.

Pinangangambahan ng ilang mga magsasaka sa Cabanatuan City ang pagdating ng La Niña dahil sa bahang maaaring maidulot nito.

     Ayon dito, mababa lamang ang kinalalagyan ng kanilang bukirin at madalas na kapag panay ang ulan o kapag may kalamidad ay nalulubog sa baha ang kanilang mga pananim na nagiging sanhi ng kanilang pagkalugi.

     Pinangangambahan din ni Mang Vincent Luquiano ng Barangay Sta. Arcadia ang La Niña, bukod kasi sa tubig mula sa irigasyon ay may kababaan din ang kanilang lugar na maaaring malubog ng tubig kung panay ang pag-ulan.

     Sa loob naman ng dalawampung taon ay ngayon lamang sinaka ni Mang Jun Niones ang kanyang 1.7 hectares na bukirin sa Palayan City dahil sa nalalapit na pag-upo ni President Elect Rodrigo Duterte.

     Ayon kay Mang Jun, umaasa siya sa pangako ni Presumptive President Duterte na babawasan nito ang importasyon ng bigas sa bansa upang mapataas o mapalaki ang kita ng mga magsasaka.

Umaasa ang magkaibigang Mang Jun (kaliwa) at Mang Cardo (kanan) na sa pag-upo ni Incoming President Duterte ay mapataas na ang kita ng mga magsasaka sa bansa.

Umaasa ang magkaibigang Mang Jun (kaliwa) at Mang Cardo (kanan) na sa pag-upo ni Incoming President Duterte ay mapataas na ang kita ng mga magsasaka sa bansa.

     Kung mawawala ang importasyon ay panigurado aniyang tataas ang bentahan ng palay sa Lalawigan o maging sa iba pang bahagi ng Pilipinas