Higit na kaunlaran ng Nueva Ecija, isusulong ni Governor-elect Cherry Umali

     Hangarin ng ina ng lalawigan Governor-elect Czarina “Cherry” Umali na mapanatili ang kapayapaan, at isulong ang higit na kaunlaran ng Nueva Ecija na nasimulan nang tumindig para sa pagbabago at maupo bilang gobernador ng lalawigan ang kanyang asawang si Governor Aurelio Umali.

Magiliw na sinalubong ng mamamayan ang motorcade ni incumbent Congw. Cherry Umali habang umiikot sa bayan ng Cuyapo.

Magiliw na sinalubong ng mamamayan ang motorcade ni incumbent Congw. Cherry Umali habang umiikot sa bayan ng Cuyapo.

     Base sa inihaing agenda ni Governor-elect Umali, tutugunan ng kanyang administrasyon ang problema sa agrikultura ng lalawigan na tinaguriang “Rice Granary of the Philippines” at “Onion Basket of Asia”  sa pamamagitan ng pagpapalawak sa programang Ani ng Masaganang Uhay, pagpapapagawa ng mga irigasyon, farm to market roads, pagpapatayo ng bodega o imbakan, drying facilities ng palay, at palalakasin ang  “Bagsakan Center”.

     Sa kasagsagan ng kampanyahan na tumakbo ng apatnapo’t limang araw, kapansin-pansin ang init ng pagtanggap ng mga Novo Ecijano sa iba’t ibang bayan at lungsod na binibisita ni Congresswoman Cherry Umali.

Ang ina ng lalawigan ng Nueva Ecija kapiling ang mga kababaihan ng bayan ng San Antonio.

Ang ina ng lalawigan ng Nueva Ecija kapiling ang mga kababaihan ng bayan ng San Antonio.

     Ang ina ng lalawigan ng Nueva Ecija kapiling ang mga kababaihan ng bayan ng San Antonio.

     Bilang kinatawan ng ikatlong distrito, ilan sa mga nagawa ni Umali, ang programa sa edukasyon, programa para sa kalusugan, pagbibigay ng tulong pinansiyal sa pinaka mahihirap na pamilya, at mga proyektong pang-imprastraktura.

     Lumamang si Congresswoman Umali ng mahigit dalawandaang libong boto kontra sa kanyang nakatunggali  sa pagka-gobernador sa katatapos na eleksyon.

     Humakot si Umali ng 562,046 votes, samantalang nakakuha naman si dating Congressman Rody Antonino ng 348,989.- ulat ni Clariza de Guzman

Ano'ng Tingin Mo?

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s