Budang Laking “Rattan Rocking Chair”, kinagiliwan ng mga mamamayan ng Bayan ng Peñaranda

     Walang tigil sa pag-selfie at pag-groufie ang mga mamamayan at empleyado ng Pamahalaang Bayan ng Peñaranda habang nakaupo sa Budang Laking “Rattan Rocking Chair”, na tampok sa pagdiriwang ng ika 165th Founding Anniversary ng kanilang bayan.

     Ayon kay Mayor Ferdinand “Blueboy” Abesamis, isa sa mga maipagmamalaking produkto ng kanilang bayan ang Rattan Rocking Chair na unti-unti ng nakikilala hindi lamang sa loob at labas ng lalawigan kundi maging sa ibang bansa.

Kinagiliwan ng mga mamamayan ng Peñaranda, maging ni Re-Elect Mayor Blueboy Abesamis at kanyang asawa ang magpakuha ng litrato habang naka-upo sa Budang Laking “Rattan Rocking Chair” ng kanilang bayan.

     Dagdag nito, nais nilang lalo pang maipromote ang kanilang produktong Rattan Rocking Chair kaya ito ang kanilang napiling itampok sa pagdiriwang ng kanilang Anibersaryo ngayong taon.

     Umabot ng dalawang linggo bago natapos ang Budang Laking “Rattan Rocking Chair” o mas kilala sa tawag na Tumba-Tumba, na ginawa ng limang katao.

     Ito ay may taas na tatlong metro, may lapad na dalawang metro, ang sandalan ay may taas na 1.4 meters, at ang upuan ay may sukat na 1.2 meters, kung saan kakasya ang sampung katao.

Itinampok sa selebrasyon ng ika 165th Founding Anniversary ng Bayan ng Peñaranda ang kanilang ipinagmamalaking Budang Laking “Rattan Rocking Chair”, na may taas na 3 metro at may lapad na 2 metro.

Itinampok sa selebrasyon ng ika 165th Founding Anniversary ng Bayan ng Peñaranda ang kanilang ipinagmamalaking Budang Laking “Rattan Rocking Chair”, na may taas na 3 metro at may lapad na 2 metro.

     Sustenable naman umano ang pagawaan nito sa naturang lugar dahil may mga mamamayan nang nagtatanim ng rattan sa kanilang mga bakuran.

     Nakatulong din sa tuloy-tuloy na pagawain ng mga rattan furniture ang pagdami ng pamilyang na-eengage sa paggawa nito upang kanilang maging hanap-buhay.

     Noong taong 2014 ay itinampok ang Budang Laking Ispasol at noong nakaraang taon naman ay ang Budang Laking Putong Puti ang kanilang ginawa, na pawang mga produkto rin ng naturang lugar. Ulat ni Shane Tolentino