Magsasaka, pinagtangkaang patayin; Manggagawang sangkot umano sa mga nakawan, itinumba ng tandem; 62-anyos na lolo, patay nang bugbugin ng nakainitang kainuman

     Nakaligtas sa tangkang pagpatay ang isang magsasaka matapos pagbabarilin ng mga hindi nakilalang suspek sa sitio Batangas, barangay Soledad, Sta. Rosa.

     Tinamaan ng bala ng kawarenta’y singkong baril sa kanyang mga paa ang biktimang si Donato Roxas y Sta. Ana, 56-anyos, may asawa, at residente ng barangay San Isidro, ng naturang bayan.

Maswerteng nakaligtas si Donato Roxas sa pamamaril matapos magbenta ng 125 cavan ng bigas sa Soledad, Sta. Rosa.

Maswerteng nakaligtas si Donato Roxas sa pamamaril matapos magbenta ng 125 cavan ng bigas sa Soledad, Sta. Rosa.

     Base sa imbestigasyon ng pulisya, bandang alas nueve ng gabi nang ibenta ng biktima ang 125 cavan ng bigas kay Marlon Victoria ng Sitio Malinao, barangay Bulualto, San Miguel Bulacan.

     Pagkatapos magbayad ni Victoria ng halagang Php 90, 000.00 kay Roxas ay bigla na lamang itong pinaputukan ng mga suspek.

     Dahil dito ay mabilis na sumakay ng dalawang elf truck ang buyer, kasama ang kanyang driver at mga helper at humarurot patungong hilagang-silangang direksyon.

     Nakita umano ng mga helper ang mga suspek na naka-pwesto sa madilim na bahagi ng tulay ilang metro ang layo sa crime scene.

     Muñoz- Sangkot umano sa mga serye ng nakawan at panggagahasa ang isang manggagawang itinumba ng riding in tandem sa Purok Maginhawa, barangay Bagong Sikat.

     Itinumba ng tandem habang nakatambay  si Hermilo Villanueva itinuturong suspek sa mga serye ng nakawan at panggagahasa sa lungsod ng Muñoz.

Itinumba ng tandem habang nakatambay  si Hermilo Villanueva itinuturong suspek sa mga serye ng nakawan at panggagahasa sa lungsod ng Muñoz.

Itinumba ng tandem habang nakatambay si Hermilo Villanueva itinuturong suspek sa mga serye ng nakawan at panggagahasa sa lungsod ng Muñoz.

     Nakilala ang biktimang si Hermilo Villanueva y Catalan, alyas Ekong, 28-anyos, binata, at residente ng nasabing lugar.

     Batay sa report ng Muñoz Police Station, 11:00 ng umaga, nakaupo at namamahinga si Villanueva sa sementong bakod nang dumating ang magkaangkas na suspek at binaril ng maraming beses sa ulo ang biktima.

     Makaraang maisagawa ang krimen, tumalilis ang mga suspek papuntang Maharlika Highway, sa barangay Bantug, Science City of Muñoz.

     Samantala, ang biktima ay isinugod sa ospital ngunit binawian ito ng buhay habang ginagamot.

     Narekober ng SOCO sa pinangyarihan ng krimen ang dalawang basyo ng kaha ng kalibre kwarenta’y singko.

     Carranglan- Patay sa bugbog at palo ng bote ng alak sa ulo ang isang 62-anyos na lolo matapos makainitan ang kanyang kainuman sa Sitio Guiray, barangay R.A. Padilla.

    Kinilala ang biktimang si Roger Dizon y Dariano, karpentero, isang balo, at residente ng Sitio Nagpandayan, barangay Bunga, Carranglan.

Dahil sa mainitang pagtatalo habang nag-iinuman  ay nagawang paslangin ni Gedo Cruz si Roger Dizon.

Dahil sa mainitang pagtatalo habang nag-iinuman ay nagawang paslangin ni Gedo Cruz si Roger Dizon.

     Habang ang suspek na naaresto kinabukasan ay si Gedo Cruz ng Palay Buying Station na matatagpuan sa barangay Maglanoc, ng nabanggit na bayan, at residente ng barangay Pamplona, Naga City.

     Ayon sa pagsisiyasat ng mga otoridad, 8:00 ng gabi, nag-iinuman ang dalawa nang magkaroon ng pagtatalo.

      Sa sobrang galit ni Dizon ay nagbitaw ito ng masasamang salita kung kaya sinuntok ito ni Cruz.

     Sinubukang tumakas ng biktima pero hinabol ito ng suspek. Nang maabutan sa palayan ay pinagsusuntok ni Gedo si Roger at pinalo ng bote ng Ginebra sa ulo.

     Sa kabila nito, nagawa pa ring makatayo ng biktima ngunit muli itong inundayan ng suntok ng suspek at hindi nilubayan hanggang sa mamatay.- ulat ni Clariza de Guzman.