Gov. Oyie Umali, nagpasalamat sa kanyang huling Flag Raising Ceremony sa Kapitolyo

     Sa huling araw ng pagdalo ni Out-Going Governor Aurelio Matias Umali sa Flag Raising Ceremony sa Kapitolyo ay pinasalamatan nito ang lahat ng mga kawani ng Provincial Government na nakasama nya sa siyam na taong paglilingkod sa Lalawigan ng Nueva Ecija.

     Nagbalik tanaw si Gov. Oyie sa unang araw ng kanyang pagdalo sa Flag Raising Ceremony ng Kapitolyo noong maupo siya bilang Gobernador ng Lalawigan noong taong 2007.

     Sa pagpasok ng Administrasyong Umali sa Kapitolyo ay hindi nito tinanggal ang mga dati nang empleyado ng pinalitang administrasyon.

     Hindi naging madali ang unang taon ng panunungkulan ni Gov. Oyie, dahil sampung taon na hindi nag-remit ang nagdaang administrasyon sa GSIS.

     Bukod sa pagbabalik ng benepisyu para sa mga empleyado ay itinaas din ng Gobernador ang sweldo ng mga kawani ng Kapitolyo.

     Kung may isang bagay man na pinagsisisihan ang Gobernador, yun ay ang hindi nakilala isa-isa ang mga empleyado ng Pamahalaang Panlalawigan.

     Sa loob ng kanyang panunungkulan naibalik ang kalayaan ng mga Novo Ecijano sa pagpapahayag ng mga damdamin at saloobin, malayang naipaparating ng mga empleyado ang kanilang mga hinanaing kahit mismo sa ama ng Lalawigan.

     Samantala, inanunsyo din ni Gov. Oyie ang pagtaas ng sweldo ng mga kawani ng Provincial Government kasabay ang pag-release ng Mid-Year Bonus ng mga ito ngayong buwan.