Gov. Oyie at Congw. Cherry, maagang bumoto ngayong Eleksyon 2016

     Saktong alas -7 ng umaga ng dumating sa presinto ng Sta Rosa Central School ang mag-asawang Gov. Aurelio “Oyie” Matias-Umali at 3rd District Congw. Czarina “Cherry” Umali upang bumoto.

     Matiyagang nag-intay sa pila ang dalawa. Kapansin-pansin din na maingat na sinusuri ni Congw. Umali ang mga pangalan ng mga kandidato sa listahan na kanyang dala.

     Si Congw. Umali ay nanalo bilang gobernador ng probinsiya ng Nueva Ecija at si Gov. Umali naman ay kumandidato bilang Congressman ng Ikatlong Distrito ng lalawigan.

     Kasama din nila na maagang bumoto si Konsehal Macoy Matias na may baon ding listahan ng kanyang mga napusuang kandidato.

     Sa lungsod naman ng Cabanatuan, bumoto si 3rd district Former Board Member Doc Anthony Matias-Umali na kumandidato at nanalo bilang Vice Mayor ng nasabing lungsod. Kasama ang kanyang kaibigan na anchor/tv host na si Philip “Dobol p” Piccio.

     Matiyagang pumila si Doc Umali sa kalagitnaan ng siksikan ng mga tao sa presinto ng West Central School.

     Habang si Kap. Ramon “Suka” Garcia ng Brgy Barlis, ay mas pinili na sa gawing hapon bumoto.

     Ayon sa kanya, upang mabigyan ng pagkakataon na maunang bumoto ang kanyang mga kabarangay.

     Si Garcia ay kumandidato bilang Mayor ng Lungsod ng Cabanatuan. Ulat ni Danira Gabriel