P100-m ayuda, ipinagkaloob NG D.A. sa mga magsasaka at mangingisda ng Nueva Ecija

     Libo-libong magsasaka at mangingisda ng Nueva Ecija ang nabiyayaan ng tulong mula sa Kagawaran ng Agrikultura, sa ginanap na Farmers and Fisherfolk Forum, sa Convention Center, Palayan City.

     Mahigit sa Isang Daang Milyong Piso ang kabuuang halaga na tinanggap ng lalawigan mula sa pamahalaan, na inilaan para sa mga proyekto sa agrikultura, kagamitan, livelihood projects at imprastraktura.

     Iba’t-ibang samahan ng mga magsasaka at mangingisda ang nabiyayaan nito, kabilang na ang mga kooperatiba, rural based organization, lgu’s at mga pribadong grupo.
Ayon kay Agriculture Secretary Proceso Alcala, lumagpas ng P46-B ang ini-angat ng budget ng Department of Agriculture kung ikukumpara ito mula noong taong 1975 hanggang 2010.

     Anya, naging posible ito dahil sa pamamahala ni Pangulong Aquino.

     Agrikultura ang pangunahing ikinabubuhay sa Nueva Ecija, kilala ang probinsiya bilang “Rice granary of the Philippines at Onion capital of the Philippines.”

     Ngunit dahil sa sunod-sunod na kalamidad at pagbabago ng panahon na dinaranas ng mga magsasaka at mangingisda sa lalawigan ay labis sila ngayong nahihirapan.

     Kamakailan ay sinalanta ang probinsiya ng mga bagyong nagdaan. Hindi pa man nakakaahon sa pagkalugi ay kasalukuyan namang dumaranas ngayon ng epekto ng tag tuyot o el niño.

     Dumalaw din ang News Anchor, TV Host at asawa ni Presidential Candidate Mar Roxas na si Korina Sanchez-Roxas, na mainit na sinalubong ng mga Novo Ecijano. -Ulat ni Danira Gabriel\

Ano'ng Tingin Mo?

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s