Dalawang pamangkin, nabaril ni uncle; Bumbay todas sa tandem

Isang bala ang tumama at tumagos sa magpinsang sina Vincent at Jemilee mula sa baril ng kanilang tiyuhin na aksidente umanong naiputok.

Isang bala ang tumama at tumagos sa magpinsang sina Vincent at Jemilee mula sa baril ng kanilang tiyuhin na aksidente umanong naiputok.

   Aksidenteng nabaril ng kanilang amain ang dalawang menor de edad na pamangkin sa barangay Sinipit, bayan ng Cabiao.

     Kinilala ang suspek na si Arnel Alfaro y Pablo, 36-anyos, residente ng naturang lugar, at personal security ni Mayor Bon Alejandrino ng Arayat, Pampanga.

     Habang ang mga biktima ay kinilalang sina Jemilee Marnie y Alfaro, sampong taong gulang, at Vincent Alfaro y Cabral, pitong taong gulang.

     Base sa inisyal na imbestigasyon ng Cabiao Police Station, bandang 3:00 ng hapon, nag-iinuman ang angkan ng mga Alfaro sa bahay ni Amang Alfaro nang bigla na lamang inilabas ng suspek ang kanyang maikling baril na nakasuksok sa kanyang bewang.

     Hindi umano sinasadya ay naiputok nito ang armas na tumama sa kaliwang hita ni Vincent at tumagos sa kanang paa ni Jemilee.

     Isinugod sa ospital ang dalawang bata, samantala ang suspek ay tumakas na hanggang sa isinusulat ang balitang ito ay pinaghahanap ng mga otoridad.

     Rizal- Todas ang isang Indian National matapos pagbabarilin ng riding in tandem sa harap ng isang kainan sa kahabaan ng Rizal-Bongabon Provincial Road sa barangay San Esteban.

     Nakilala ang biktimang si Vijay Kumar, 37-anyos, may asawa, at residente ng barangay Social, Bongabon.

     Ayon sa report ng pulisya, dakong 11:30 ng umaga, nangongolekta ng pautang ang biktima sa Alma’s eatery nang lumapit ang isang hindi nakilalang lalaki at niratrat ang Bombay sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

 Habang naniningil ng kanyang pautang sa Alma’s eatery ang Bombay na si Vijay Kumar, nilapitan at binaril ito ng hindi nakilalang lalaki.


Habang naniningil ng kanyang pautang sa Alma’s eatery ang Bombay na si Vijay Kumar, nilapitan at binaril ito ng hindi nakilalang lalaki.

     Pagkaraang maisagawa ang krimen ay mabilis na sumakay ang suspek sa nakaabang na motorsiklo kasama ang driver nito patungong Bongabon.

     Narekober ng SOCO sa crime scene ang dalawang basyo ng bala ng kalibre .45.- ulat ni  Clariza de Guzman.