Mag-aalahas, itinumba; 44-anyos na lalaki, todas sa tandem; Number 3 sa Most Wanted Drug Pusher, patay sa pamamaril

Sapol sa ulo ang isang mag-aalahas nang puntiryahin ng riding in tandem habang naglalakad sa del Pilar St. Cabanatuan City.

Sapol sa ulo ang isang mag-aalahas nang puntiryahin ng riding in tandem habang naglalakad sa del Pilar St. Cabanatuan City.

     Itinumba ng dalawang hindi nakilalang suspek ang isang mag-aalahas habang naglalakad sa kalye ng del Pilar sa gilid ng Sanciangco St. Cabanatuan City.

     Kinilala ang biktimang si Simprosa Buse y Jacinto, 62-anyos, isang balo, at residente ng Rizal St. barangay Rizdelis, ng naturang lungsod.

     Base sa report ng Cabanatuan Police Station, 6:00 ng umaga binabagtas ng biktima ang nasabing lugar nang barilin ng mga suspek na magka-angkas sa motorsiklo pagkatapos ay mabilis na tumakas.

     Nagtamo ng sugat sa ulo at leeg ang biktima na itinakbo sa ospital ngunit hindi na umabot na buhay.

Minamaneho ni Gilbert Salvador ang kulay pulang motorsiklo nang buntutan at ratratin ito ng riding in tandem sa San Roque, San Isidro.

Minamaneho ni Gilbert Salvador ang kulay pulang motorsiklo nang buntutan at ratratin ito ng riding in tandem sa San Roque, San Isidro.

     San Isidro- Todas ang isang 44-anyos na lalaki matapos ratratin ng riding in tandem sa Purok 7, barangay San Roque.

     Nakilala ang biktimang si Gilbert Salvador y Bucat, may asawa, naninirahan sa Purok 4, barangay Bagong Silang, bayan ng Cabiao.

     Batay sa ulat ng pulisya, 10:45 ng umaga minamaneho ng biktima ang pulang motor patungong norte nang buntutan ng tandem at pinaputukan ng tatlong beses ng back rider gamit ang kalibre .45 baril.

      Lumabas sa imbestigasyon ng mga otoridad na ang mga suspek ay magka-angkas sa isang red Honda XRM na walang plaka. Inilarawan ang driver ng motorsiklo na naka-sun glasses, at nakasuot ng kulay cream na jacket. Habang ang gun man ay naka- blue checkered long sleeved shirt, at nakatakip ng kulay dilaw na panyo ang kalahati ng balbasan nitong mukha.

Patay ang diumano’y tulak ng droga sa bayan ng Pantabangan na si  Rolando Gomez Sr. matapos pagbabarilin ng riding in tandem.

Patay ang diumano’y tulak ng droga sa bayan ng Pantabangan na si Rolando Gomez Sr. matapos pagbabarilin ng riding in tandem.

     Pantabangan- Patay ang Number 3 Most Wanted Drug Pusher sa naganap na pamamaril sa Pantabangan-Baler Road sa barangay Marikit.

     Kinilala ang biktimang si Rolando Gomez Sr. y Soriano, 53, may asawa, magsasaka, at residente ng naturang lugar.

     Ayon sa pagsisiyasat ng Pantabangan Police, 8:25 ng gabi , naglalakad sa shoulder ng kalsada si Gomez nang lapitan ng dalawang suspek na nakasakay sa itim na motor, kapwa nakasuot ng black jacket, at bigla na lamang binaril ng sunud-sunod ang biktima.

     Makaraang maisagawa ang krimen, tumalilis ang mga salarin sa direksyon ng barangay Cadaclan.- ulat ni Clariza de Guzman.