28 Micro, Small and Medium Enterprises sa Nueva Ecija, pinarangalan ng DTI

     Pinarangalan ng Department of Trade and Industry ang dalawamput walong lokal na traders, retailers at cooperatives sa lalawigan bilang Most Promising and Outstanding Micro, Small and Medium Enterprises.

     Ayon kay Dir. Brigida T. Pili, Provincial Director ng DTI Nueva Ecija, ginawaran ng parangal ng kanilang Tanggapan ang 28 local enterprises dahil sa kanilang aktibong partisipasyon, pagsuporta at pagtugon sa mga programa at serbisyo ng DTI.

     Lima ang ginawaran bilang Most Promising MSME na kinabibilangan ng Sophie’s Foot Wear, Golden Beans and Grains Producers Cooperative, Samahang Kababaihan ng Kapintalan, Catalanacan Multi-Purpose Cooperative at MNK Gabay sa Pangkabuhayan Association.

Binigyang pagkilala ng Department of Trade and Industry ang mga natatanging Micro, Small and Medium Enterprises sa Lalawigan sa ginanap na Financing Forum Cum Sme Summit sa pangunguna ng naturang Ahensya.

Binigyang pagkilala ng Department of Trade and Industry ang mga natatanging Micro, Small and Medium Enterprises sa Lalawigan sa ginanap na Financing Forum Cum Sme Summit sa pangunguna ng naturang Ahensya.

     Habang dalawamput tatlo naman ang ginawaran bilang Most Outstanding MSME, ilan sa mga ito ay ang Salon de Albularyo, Ollie’s Footwear, Nueva Cabanatuan Meat Products, Casadamoda Handicrafts, Eastern Multi-Purpose Cooperative, Palayan City Calamansi Growers Association, Nueva Ecija Federation of Dairy Carabao Cooperative, Parista Barangay Defence System Multi-Purpose Cooperative, Kababaihang Masigla ng Nueva Ecija, Nagaños Farm, at marami pang iba.

     Naging kabahagi naman ng Financing Forum ang ilang bangko na katuwang ng mga negosyante sa pamumuhunan at pagtatayo ng mga negosyo, ilan sa mga ito ay ang SB CORP, Land Bank of the Philippines, GM Bank of Luzon, Bank of Makati, Alalay sa Kaunlaran Inc., Metro Bank at Bangko Sentral ng Pilipinas.

     Muli namang nagpaalala ang Bangko Sentral ng Pilipinas sa mga negosyante na hanggang sa Disyembre ng taong kasalukuyan na lamang sila maaaring tumanggap ng mga lumang disenyo ng pera.

     Ayon kay Cherry Renee Pongco, Research Specialist ng BSP, sa pagpasok ng 2017 ay mawawalan na ng halaga ang mga perang may lumang disenyo at hindi na rin ito maaari pang tanggapin ng alin mang bangko sa bansa.

     Dumalo rin si Provincial Tourism Officer Tina Wycoco-Paulino na naka-alalay rin sa mga negosyante para sa patuloy na pag-angat ng turismo ng probinsya, naroon din ang iba’t-ibang ahensya ng gobyerno na nakatutok sa pagtugon sa mga pangunahing suliranin ng mga mangangalakal.

Ano'ng Tingin Mo?

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s