Iba’t-ibang putahe ng mais, ibinida sa Mais Festival

Gamit ang pangunahing sangkap na mais ay nagpasiklaban ang sampung grupo ng mga estudyante ng NEUST sa paghahahain ng kakaibang mga putahe o luto ng mais sa Corn Food Festival, bilang bahagi ng pagdiriwang ng Mais Festival 2016.

Ibinida ng mga estudyante mula sa iba’t ibang Departamento at Campuses ng Nueva Ecija University of Science and Technology ang kakaibang mga putahe ng mais sa kanilang ika-18th Anniversary ng kanilang pagiging Unibersidad.

Ibinida ng mga estudyante mula sa iba’t ibang Departamento at Campuses ng Nueva Ecija University of Science and Technology ang kakaibang mga putahe ng mais sa kanilang ika-18th Anniversary ng kanilang pagiging Unibersidad.

Ayon kay Engr. Ma. Teresita C. Vega, Dean ng Office of Student Affairs, ang mga kalahok ay nagmula sa bawat departamento at campuses ng Unibersidad kung saan kanya-kanya ang mga ito sa paggawa ng kanilang sariling recipe gamit ang mais.

Binubuo ng apat na miyembro ang bawat team kung saan sinuri ng mga hurado ang kanilang kakayahan, abilidad, at pagkamalikhain sa paghahanda at pagluluto ng sariling putahe mapa-soup, appetizer, main course o dessert man.

Ang criteria for judging, plate presentation 30%, creativity o originality ng recipe 20%, Time Management 10%, at Sensory Evaluation 40%, for a total of 100%.

Naiuwi ng College of Information Technology ang 1st place na may P10, 000 cash prize, ang 2nd place ay nakuha ng College of Education na may P7, 000 cash prize at tinanghal namang 3rd place ang College of Hotel and Restaurant Management na may P5, 000 cash prize.

Nakatanggap naman ng P3, 000 bilang consolation prize ang mga hindi pinalad na manalo.

Sinabi ni Engr. Vega na binibigyan ng importansya ng kanilang Unibersidad ang mais bilang 2nd food crop ng Lalawigan ng Nueva Ecija, kung kaya mais ang kanilang itinatampok sa taunang selebrasyon ng pagiging Unibersidad ng kanilang paaralan.

Bahagi din ng selebrasyon ang pagtatampok sa mga larong Pinoy tulad ng harang taga o patentero at sack race, na bihira na umanong makitang nilalaro ng mga bagong henerasyon sa kasalukuyan.

Ilan sa mga larong Pinoy tulad ng Harang taga o Patentero ang muling binuhay ng Unibersidad upang muling tumimo sa isipan ng mga estudyante ang kulturang maka-Pilipino.

Ilan sa mga larong Pinoy tulad ng Harang taga o Patentero ang muling binuhay ng Unibersidad upang muling tumimo sa isipan ng mga estudyante ang kulturang maka-Pilipino.

Ayon kay Dr. Hernina Medrano, Guidance Counselor ng NEUST, nais nilang ipaalala at muling ipakilala sa mga estudyante ang mga matatandang laro na nagpapakita ng sariling kultura ng bansa. -Ulat ni Shane Tolentino