Election Monitoring and Reporting, isinagawa ng NUJP-NE

     Nagsagawa ng Voters Education for Election Monitoring and Reporting ang National Union of Journalism of the Philippines o NUJP-Nueva Ecija, bilang paghahanda sa malaking parteng gagampanan ng campus and professional media sa nalalapit na eleksiyon.

     Dinaluhan ito ng COMELEC, NUJP-National, mga lokal na media sa radyo at telebisyon at mga student journalist sa lalawigan.

    Tinalakay ng COMELEC Nueva Ecija sa mga partisipante, ang proseso ng gaganaping eleksiyon, mula sa paghahanda ng mga materyales na gagamitin sa halalan hanggang sa pagbibilang ng boto.

      Ipinakilala ni Atty Jovencio Balanquit, Provincial Election Supervisor, ang VCM o Vote Counting Machine na siyang gagamitin sa National and Local Election sa Mayo 9.

     Ayon kay Balanquit, mas malaki ang memory capacity ng VCM at mayroon itong secure digital, sa halip na compact flash o c-f card na ginamit noon sa PCOS machine. May dalawa ding memory card ang VCM bilang backup.

    Malapad rin ang lcd ng VCM at gagamitin din ng COMELEC ang onscreen verification feature upang makita ng mga botante kung binasa ng tama ng makina ang laman ng kaniyang balota.

     Iginiit ni Balanquit na kung sakaling magkaron man ng dayaan, singuro niya na hindi ito magmumula sa loob ng presinto sa araw ng halalan.

     Ibinahagi din nina Sec. General Dabet Castaneda at Che Delos Reyes ng NUJP-National, ang mga isyu na dapat alamin ng mga mamahayag tuwing panahon ng eleksyon.

     Ayon kay Sonia Carpio Chairman ng NUJP Nueva Ecija, kinakailangan na maging bahagi ang lahat ng mamamayan, lalo na ang mga kabataan sa paghahanda, pagbabantay at pagbabalita ng mga kaganapan sa darating na halalan.

     Bukod sa Seminar, nagsagawa din ng isang workshop. Kung saan nagpakita ng talas at galing sa pagbabalita ang mga estudyante na nagmula sa Nueva Ecija University of Science and Technology(NEUST), Wesleyan University(WU-P), Central Luzon State University(CLSU), Eduardo L. Joson Memorial College(ELJMC), Araullo University, College for Research and Technology(CRT), Manuel V. Gallego Foundation Colleges(MVGFC) at ABE College.

     Nakibahagi din ang mga mamahayag ng DWNE, Radyo Natin Guimba, Radyo Natin San Jose, DWAY, Central Luzon Media Association(CLMA) at TV48. -Ulat ni Danira Gabriel

Ano'ng Tingin Mo?

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s