Fire prevention month, inilunsad

     Pumarada ang mga bagong truck ng Burea of Fire Protection Nueva Ecija sa Cabanatuan City, kaugnay ng muling pagsisimula ng Fire Prevention Month ngayong unang linggo ng Marso.

     Ayon kay Provincial Fire Marshall Supt. Gregorio Antonio, ang kadalasan na nagiging sanhi ng sunog ay ang electrical connection.

     Bukod dito, ilan pa sa mga dahilan nang kadalasang pinagmumulan ng sunog ay ang pagiwan sa niluluto, hindi pagbabantay sa nakabukas na gasera at kandila at naiwang nakasaksak na electrical appliances.

     Sa datos ng BFP-NE, nakapagtala sila ng P90.5 million na kabuuang danyos para sa mga aksidente ng sunog noong taong 2014. Habang bumaba naman ito sa P87.8 million na halaga ng mga nasirang kagamitan at kabuhayan noong taong 2015.

Isa sa 12 bagong trucks na mula sa DILG ang pumarada sa kick-off program ng Fire Prevention Month ng BFP-NE.

Isa sa 12 bagong trucks na mula sa DILG ang pumarada sa kick-off program ng Fire Prevention Month ng BFP-NE.

     Inaasahan ni Supt. Antonio napatuloy pang bababa ang bilang ng mga insidente ng sunog sa probinsiya, lalo na ngayon, na  mayroong labing dalawang bagong fire trucks ang BFP-NE na ibinigay ng Department of Interior and Local Government o DILG.

     Paalala ni Supt. Antonio, na kinakailangan na maging alerto ang mga mamamayan upang makaiwas sa sunog. Binigyang diin din niya na responsibilidad ng publiko na tiyaking ligtas sa sunog ang kanilang mga tahanan.

     Para sa mga nangangailangan ng tulong ng BFP-NE, tumawag o mag text lamang sa mga numerong 0932-862-8892 o 0943-700-3134. -Ulat ni Danira Gabriel