55 Water Pipes, ipinagkaloob ng The Church of Jesus Christ of the Latter-Day Saints sa Bayan ng Pantabangan

Tatlong buwan ng hirap sa pag-iigib ng malinis na tubig ang mga mamamayan ng Brgy. Napon-Napon sa Bayan ng Pantabangan dahil sinira ng nagdaang bagyo noong nakaraang taon ang pangunahin nilang pinagkukunan ng malinis na tubig.

 

Ayon kay Kapitan Orlando Escalona ng naturang lugar, natabunan ng gumuhong lupa ang spring o bukal na pinagkukunan nila ng malinis na tubig dahil sa bagyong Nona, kaya pansamantala nilang ginamit ang lumang tangke ng tubig na nasa mas mababang bahagi ng bundok kung saan sila kumukuha ng malinis na tubig.

Tanging pinagkukunan sa kasalukuyan ng malinis na tubig ng mga mamamayan ng Brgy. Napon-Napon, Pantabangan na dumadaloy mula sa mas mababang bahagi ng Sapang Mang-ayot.

Tanging pinagkukunan sa kasalukuyan ng malinis na tubig ng mga mamamayan ng Brgy. Napon-Napon, Pantabangan na dumadaloy mula sa mas mababang bahagi ng Sapang Mang-ayot.

 

Ngunit hindi aniya sapat ang inilalabas nitong tubig para masupplyan ang buong barangay.

 

Sa Sapang Mang-ayot umaasa ang mahigit sa isang libong pamilya na bukod tanging nakapagsu-supply ng sapat at malinis na tubig sa tatlong daang kabahayan sa naturang barangay.

 

Sa pakikipag-ugnayan ng Pamahalaang Panlalawigan sa pangunguna nina Governor Aurelio Matias Umali at 3rd District Congresswoman Cherry Domingo Umali sa The Church of Jesus Christ of the Latter-Day Saints o mas kilala bilang Mormons ay nabiyayaan ang Brgy. Napon-Napon ng limamput limang water pipe upang muling dumaloy ang malinis na tubig sa buong barangay.

Nagkaloob ng 55 water pipes ang The Church of Jesus Christ of the Latter-Day Saints sa pamamagitan ng Pamahalaang Panlalawigan para sa Brgy. Napon-Napon, Panbangan upang muling makadaloy ang malinis na tubig mula sa nasirang bukal dahil sa bagyong Nona.

Nagkaloob ng 55 water pipes ang The Church of Jesus Christ of the Latter-Day Saints sa pamamagitan ng Pamahalaang Panlalawigan para sa Brgy. Napon-Napon, Panbangan upang muling makadaloy ang malinis na tubig mula sa nasirang bukal dahil sa bagyong Nona.

Ayon kay Administrative Officer Elizabeth Ellen Baracao ng Provincial Disaster Risk Reduction Office, pangungunahan ng kanilang Tanggapan ang pagsusupervise sa pagkakabit ng mga water pipes na sisimulan sa huwebes.

 

Dagdag pa ni Baracao, aabot sa mahigit walong kilometro ang layo ng Sapang Mang-ayot mula sa mga kabahayan, kaya inaasahang aabutin ng isang buwan ang pag-iinstila ng mga tubo.

 

Ayon kay Elder Terry McClure, ang mga water pipes na kanilang ipinagkaloob sa Brgy. Napon-Napon ay nagmula sa sakripisyo ng mga tao sa iba’t-ibang bahagi ng mundo na nagnanais na makatulong sa kapwa.

 

Lubos naman ang pasasalamat ng barangay sa The Church of Jesus Christ of the Latter-Day Saints at kina Gov. Oyie at Congw. Cherry Umali dahil sa maagap na pagtugon ng mga ito sa kanilang pangunahing pangangailangan. -Ulat ni Shane Tolentino