Liberal Party, nangampanya na sa Lungsod ng San Jose, Nueva Ecija

     Mainit na tinanggap ng mga mamamayan sa Lungsod ng San Jose ang Partidong Liberal nang mangampanya ang mga ito sa Pag-asa Gym Brgy. F.E Marcos ng naturang lungsod.

      Sa harap ng libo-libong Novo Ecijano, inihayag ng pambato ng LP na si Secretary Mar Roxas ang pagpapatuloy niya sa mga programang nasimulan na ng kasalukuyang administrasyon.

    Kabilang sa mga programang kanyang binanggit ay ang 4P’s o Pantawid Pamilyang Pilipino Program na sa kasalukuyan aniya ay nasa mahigit apat na milyong pamilya na ang natutulungan.

      Bukod dito, nangako sina Mar at Leni na ipagpapatuloy at mas pagagandahin pa ang serbisyo ng Philhealth na sa kasalukuyan ay umaabot na aniya sa mahigit anim na milyong Pilipino ang natutulungan.

     Sinamahan ni Pangulong Benigno Aquino III sa pangangampanya ang LP bilang pagsuporta kina Mar at Leni na magpapatuloy ng kanyang nasimulan sa Daang Matuwid.

    Kasama din nina Mar at Leni ang kanilang mga Senatorial candidates na sina Senate President Franklin Drilon, Senator Ralph Recto, Former Chief Justice Leila De Lima, dating Pampanga Governor Mark Lapid, COOP NATCCO party-list representative Cresente Paez, at DILG assistant secretary of Muslim affairs and special concerns Nariman Ambolodto.

     Sumama din sa pangangampanya ang kapartido nila na sina Nueva Ecija Governor Aurelio Matias Umali at 3rd District Congresswoman Cherry Domingo Umali. -Ulat ni Shane Tolentino

Ano'ng Tingin Mo?

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s