Talamak na pagpupuslit ng iligal na droga sa Nueva Ecija Provincial Jail, malapit ng matuldukan – De Leon

     Aminado si Provincial Jail Warden Jojo De Leon na talamak noon ang pagpupuslit ng mga illegal na droga sa Nueva Ecija Provincial Jail, ngunit simula umano ng siya na ang maging Jail Warden mahigit sa isang taon na ang nakalilipas ay unti-unti na itong nasusupil dahil sa mas pinaigting nilang pagbabantay.

     Ginagarantiyahan ni Jail Warden De Leon ang publiko na hindi man maging drug free ang Panlalawigang Piitan ay sisiguraduhin umano niyang hindi na lalala pa ang kaso ng mga puslit na droga.

Isa sa pinagkukunan ng hanap-buhay ng mga preso sa loob ng Panlalawigang Piitan ang paggawa ng basket na kanilang inilalako sa labas sa tulong ng ilang mga kamag-anak at kakilala.

Isa sa pinagkukunan ng hanap-buhay ng mga preso sa loob ng Panlalawigang Piitan ang paggawa ng basket na kanilang inilalako sa labas sa tulong ng ilang mga kamag-anak at kakilala.

    Tuloy-tuloy naman ang pagbabagong nagaganap sa loob ng Panlalawigang Piitan dahil sa mga proyektong naipagkaloob sa mga preso sa tulong nina Governor Aurelio Matias Umali at 3rd District Congresswoman Cherry Domingo Umali.

     Kabilang sa mga proyektong ito ay ang pagsasakatuparan ng mga karagdagang kubo sa loob ng piitan kung saan tumatanggap ng dalaw ang mga preso.

     Patuloy din ang livelihood project sa loob tulad ng paggawa ng mga basket at pagtatanim ng gulay na pinagkukunan ng panggastos sa pang-araw-araw ng ilang presong hindi na nadadalaw ng pamilya, kamag-anak o kaibigan.

Naisakatuparan na sa Nueva Ecija Provincial Jail ang karagdagang kubo kung saan tumatanggap ng dalaw ang mga preso, sa tulong ng Pamahalaang Panlalawigan.

Naisakatuparan na sa Nueva Ecija Provincial Jail ang karagdagang kubo kung saan tumatanggap ng dalaw ang mga preso, sa tulong ng Pamahalaang Panlalawigan.

     Naisakatuparan na rin ang whole Basketball court sa roof top ng gusali kung saan malayang naipamamalas ng mga preso ang kanilang angking kakayanan sa larangan ng palakasan.

     Dagdag pa ni De Leon, dahil umano sa katuparan ng mga proyektong ito ay nabawasan ang pagkainip ng karamihan sa mga preso at nailayo ang mga ito sa paggawa ng hindi magandang bagay tulad ng pagtakas. – Ulat ni Shane Tolentino