Gov. Oyie, binigyang pagpupugay ang mga Doctor ng Nueva Ecija

      Nagpahayag ng malaking paghanga si Governor Aurelio Matias Umali sa mga Doktor sa buong Lalawigan ng Nueva Ecija dahil sa hindi matatawarang pagsisilbi ng mga ito para sa mga Novo Ecijanong nangangailangan ng serbisyong medikal.

    Dahil dito, naghandog ang Pamahalaang Panlalawigan ng bagong Nueva Ecija Medical Society Building na pinasinayaan na kamakailan, na ipinatayo mismo sa compound ng ELJ Memorial Hospital sa Lungsod ng Cabanatuan.

Dumalo sa Inauguration at Blessing ng bagong gusali ng Nueva Ecija Medical Society sina Governor Aurelio Matias Umali at 3rd District Congresswoman Cherry Domingo Umali.

Dumalo sa Inauguration at Blessing ng bagong gusali ng Nueva Ecija Medical Society sina Governor Aurelio Matias Umali at 3rd District Congresswoman Cherry Domingo Umali.

     Dumalo din sa naturang seremonya si 3rd District Congresswoman Cherry Domingo Umali bilang pagpapakita ng suporta sa mga programa at proyekto ng Pamahalaang Panlalawigan para sa kapakinabangan ng mga Doktor at ng kabuuang Novo Ecijano.

     Ayon kay Doc. Agusto Abeleda Jr. Hepe ng ELJHM, isa sa mga tinututukan ni Gov. Oyie ay ang usapin ng kalusugan, kaya malaking kainaman aniya na naipatayo ang naturang building sa loob mismo ng isang Hospital para sa mas maayos na ugnayan ng mga Doktor at ng mga pasyente.

     Malaki naman ang naging pasasalamat ni Doc. Edgar Mendoza, 44th President ng Nueva Ecija Medical Society, sa ipinagkaloob na gusali ng Gobernador na itinuturing nilang Tahanan ng mga Doktor ng Nueva Ecija.

 Pinasinayaan na ang bagong Nueva Ecija Medical Society Building na handog ng Pamahalaang Panlalawigan.

Pinasinayaan na ang bagong Nueva Ecija Medical Society Building na handog ng Pamahalaang Panlalawigan.

     Tinapos ng Punong Panlalawigan ang kanyang pananalita sa paghahayag na isang karangalan ang maging kabahagi siya, katuwang ang grupo ng mga Doktor ng probinsya, sa pagbibigay ng serbisyong pangkalusugan sa mga Novo Ecijano.- Ulat ni Shane Tolentino