Mga lokal na kandidato sa NE, lumagda sa Peace Covenant

     Lumagda sa isang Peace Covenant ang mga lokal na kandidato sa pinakamataas na posisyon sa lalawigan ng Nueva Ecija, sa isinagawang Secure And Fair Elections o SAFE 2016, na ginanap sa Maria Assumpta Seminary, Cabanatuan City.

Nagkamayan sina Congw. Czarina “Cherry” Umali at Former Cong. Rody Antonino, na parehong kandidato sa pagkagobernador matapos basahin at lagdaan ang Covenant.

     Pinangunahan nina Congw. Cherry Umali at Former Cong. Rody Antonino na parehong tumatakbo bilang Gobernador ang pagbasa at paglagda ng kasunduan, sa hangaring maging mapayapa at patas ang darating na eleksyon sa Mayo 9.

Isang malaking tarpaulin na nagpapakita ng lagda ng mga lokal na kandidato sa Covenant.

Isang malaking tarpaulin na nagpapakita ng lagda ng mga lokal na kandidato sa Covenant.

     Sinundan ito ng iba pang mga kandidato sa mas mababang posisyon sa pagka Vice Governor, Provincial board member, Congressman/Congresswoman, at City and Municipal Mayor.

     Nagsilbing saksi sina Most Rev. Sofronio Bancud ng Parish Pastoral Council, Major General Angelito De Leon ng 7th Infantry Division, PCSUPT. Rudy Lacadin ng Philippine National Police Region III, PSSUPT. Manuel Cornel ng Nueva Ecija Provincial Police Office, Palayan City Election Officer Magpayo Abesamis ng Commision on Election at Provincial Director Renato Bernardino ng Department of the Interior and Local Government.

     Umaasa si PCSUPT. Rudy Lacadin, na susunod ang mga kandidato sa mga patakaran na inilabas ng COMELEC sa pangapangampanya.

     Tiwala si Fr. Aldrin Domingo, ng Parish Pastoral Council for Responsible Voting o PPCRV Cabanatuan City, na sa pamamagitan ng Peace Covenant ay magiging maayos ang lokal na halalan.

     Opisyal na magsisimula ang pangapangampanya para sa lokal na eleksyon sa Marso 29. -Ulat ni Danira Gabriel