Grand Bingo, tampok sa Araw ng Cabanatuan

     Dinumog ng libo-libong Cabanatueño ang Grand Bingo na ginanap sa Freedom Park, bilang bahagi ng pagdiriwang ng ika-66 taon ng Araw ng Cabanatuan.

    Ayon kina Kapitan Ramon “Suka” Garcia at 3rd District Ex-Board Member Doc. Anthony Umali, inihandog ng Pamahalaang Panlalawigan sa pangunguna ni Governor Aurelio Matias Umali at ng Team Save Cabanatuan ang Grand Bingo/Raffle para sa mga Cabanatueño bilang pakikiisa sa selebrasyon ng Anibersaryo ng Cabanatuan.

Dinagsa ng mahigit sa limang libong Cabanatueño ang Grand Bingo/ Raffle, na ginanap sa Freedom Park bilang bahagi ng pagdiriwang ng ika-66 Taon ng Araw ng Cabanatuan.

Dinagsa ng mahigit sa limang libong Cabanatueño ang Grand Bingo/ Raffle, na ginanap sa Freedom Park bilang bahagi ng pagdiriwang ng ika-66 Taon ng Araw ng Cabanatuan.

     Umulan ng samu’t-saring papremyo ang Grand Bingo, kabilang sa mga ito ang 40 inches flat screen TV, Dining Set, Sala Set, Refrigerator, Samsung Tablet, Cellphones, Electric fan, at tatlong brand new Bajaj CT 100 motorcycle para sa grand prize sa black-out bingo.

Tatlong brand new Bajaj CT 100 Kawasaki Motorcycle ang ipinamahagi ng Team Save Cabanatuan at Pamahalaang Panlalawigan bilang grand prize sa Grand Bingo.

Tatlong brand new Bajaj CT 100 Kawasaki Motorcycle ang ipinamahagi ng Team Save Cabanatuan at Pamahalaang Panlalawigan bilang grand prize sa Grand Bingo.

     Nagtatatalon sa tuwa si Virginia Soriano ng Barangay Daan Sarile ng mapanalunan nito ang grand prize na isang Bajaj CT 100 sa black out bingo at maluha-luhang nagpasalamat sa Pamahalaang Panlalawigan at sa Team Save Cabanatuan.

     Panghanap buhay naman para kay Mang Aquilino Lagman Jr. ang napanalunan niyang motorsiklo na lubos din nitong ipinagpapasalamat sa buong team ng Garcia-Umali tandem.

     Nakadagdag din sa kasiyahan ang paghataw ng sayaw ng buong Team Save Cabanatuan kasama sina Governor Oyie Umali, Konsehal Ariel Severino at Jess Diaz na nakisaya din sa selebrasyon, bilang isa sa mga patalastas ng Grand Bingo.

Masayang ipinagdiwang ng mga Cabanatueño ang ika-66 Anibersaryo ng Lungsod ng Cabanatuan sa pakikiisa ng Pamahalaang Panlalawigan sa pangunguna ni Governor Aurelio Matias Umali at ng buong Team Save Cabanatuan.

     Bilang regalo para sa naturang selebrasyon ay bumisita rin ang impersonator ng komedyanteng si Ruffa Mae Quinto sa katauhan ni Ruffa Mi na naghandog ng isang palabas para sa mga Cabanatueño.

     Ayon kay Doc. Anthony Umali, magpapatuloy ang kanilang pagbibigay ng kasiyahan sa buong Lungsod ng Cabanatuan sa pamamagitan ng Let’s Go Bingo sa mga barangay.

     Naging makulay ang kalangitan sa pagtatapos ng Grand Bingo dahil sa isang Fire Works Display na nagtagal ng sampung minuto na lubha namang nagpamangha sa mga Cabanatueño, kung saan ang ilan ay nagsabing first time pa lamang nakatunghay ng ganitong uri ng palabas sa personal.

     Labis naman ang naging pasasalamat ng mga Cabanatueño sa pagtatampok ng bingo sa pagdiriwang ng Anibersaryo ng Lungsod dahil hindi lamang papremyo ang naihatid sa kanila kundi nagbigay din ito ng aliw at kasiyahan para sa mga Cabanatueño.