Pamahalaang Panlalawigan, nagsasagawa ng rehabilitation and clearing of farmlands sa Gabaldon

Ang mga bukirin na muling napunlaan ng sibuyas sa barangay Calabasa matapos malinis ng bulldozer na nirentahan ng provincial government.

Ang mga bukirin na muling napunlaan ng sibuyas sa barangay Calabasa matapos malinis ng bulldozer na nirentahan ng provincial government.

     Nakapagpahabol na ng punlang sibuyas ang ilang magsasaka sa barangay Ligaya matapos na makinabang sa proyektong rehabilitation and clearing of farmlands ng provincial government sa bayan ng Gabaldon.

     Ayon kay kapitan Franklin Bocalere, aabot sa dalawandaang magsasaka sa Ligaya ang matutulungan ng nasabing proyekto ng probinsiya.

     Bilang tugon ay naglaan ng Php 50, 000.00 na pondo bawat barangay ang Pamahalaang Panlalawigan para sa renta ng mga bulldozer na libreng sumusuro ng mga bukid na natabunan ng bato, buhangin, at kahoy dulot ng pagbaha at pagguho ng kabundukan.

     Kalunus-lunos ang sinapit ng mga magsasaka at magsisibuyas makaraang salantahin ng magkakasunod na mga bagyong Kabayan, Lando, at Nona ang mga bukirin sa Gabaldon na may mga tanim na palay at punlang sibuyas.

     Kwento ni Romy Vegiga, pitong kilong punla ang naanod ng baha mula sa kanyang dalawang ektaryang sakahan noong kasagsagan ng Lando.

     Si Victorino Regala na umaani ng isandaang ektaryang palay ay nalugi ng Php 70, 000.00 makaraang matabunan ng mga kahoy at bato ang kanyang lupain.

     Karamihan sa mga magsasaka at kasama sa bukid, katulad ni George Gines ay nangutang na ng porsyentuhan upang makabangon na muli.

     Pumapatak sa Php 2,500.00 hanggang Php 3, 000.00 kada oras ang pagpapasuro kaya malaking kabawasan sa gastos ng mga magsasaka ang nirentahang bulldozer ng kapitolyo.

 Malaking kabawasan sa gastos ng mga magsasaka ng Gabaldon ang libreng pasuro ng bulldozer na pagawaing bayan ng Pamahalaang Panlalawigan.


Malaking kabawasan sa gastos ng mga magsasaka ng Gabaldon ang libreng pasuro ng bulldozer na pagawaing bayan ng Pamahalaang Panlalawigan.

     Sa kasalukuyan ay may dalawang bulldozer na nagsusuro sa barangay Ligaya na tatagal ng 236 hours.

     Habang 94 hours naman sa Cabanasan sa barangay North Poblacion. Samantala, tapos nang suruin ang Asan creek sa North Poblacion, at  Danglan creek sa barangay Sawmill.- ulat ni Clariza de Guzman