1,000 Cabanatueño, humataw sa Zumba Party

     Mahigit sa Isang Libong Cabanatueño ang nakisaya at humataw sa Zumba Fitness Party na handog ng Pamahalaang Panlalawigan sa pakikipagtulungan ng Provincial Health Office, bilang bahagi ng selebrasyon ng Ika-66 taon na pagdiriwang ng Araw ng Cabanatuan, na ginanap sa Freedom Park ng Lungsod.

     Matanda o bata, may ngipin man o wala ang mga kalahok ay walang patid sa pag sayaw sa loob ng dalawang oras, suot ang kanilang Vintage Attire na tema ng naturang selebrasyon.

GROUFIE: L-R TONEETE GOLPEO, DOC ANTHONY UMALI, GOV. AURELIO UMALI, JOSHUA ZAMORA, EDNA BOLISAY, RAMON “SUKA” GARCIA, FORTUNE EUSEBIO, GAVE CALLING AND AMBOT DEL MUNDO

GROUFIE: L-R TONEETE GOLPEO, DOC ANTHONY UMALI, GOV. AURELIO UMALI, JOSHUA ZAMORA, EDNA BOLISAY, RAMON “SUKA” GARCIA, FORTUNE EUSEBIO, GAVE CALLING AND AMBOT DEL MUNDO

     Game na game na sumayaw ang buong Team Save Cabanatuan, upang suportahan ang kahalagahan ng pangangalaga sa kalusugan.

      Pinangunahan ng dati at orihinal na miyembro ng sikat na grupong maneuvers na si Joshua Zamora ang Zumba Party, kasama ang ALZINC o Association of Licensed Zumba Instructors in Cabanatuan.

TEAM SAVE CABANATUAN, KASAMA ANG MGA NANALO SA BEST ATTIRE.

TEAM SAVE CABANATUAN, KASAMA ANG MGA NANALO SA BEST ATTIRE.

     Nagkaroon pa ng pa raffle at special awards ang mga partisipante kung saan nakatanggap ng tropeo at cash prizes ang mga nanalo ng special awards, kabilang na ang Zumba King and Queen.

     Ayon kay Provincial Health Officer Benjamin Lopez, malaki ang benepisyong nagagawa ng page-exercise. Dahil sa loob ng isang oras na pagzuzumba ay maaari ka ng mabawasan ng walong daan hanggang isang libong calories sa katawan. -Ulat ni Danira Gabriel