Crime Volume sa Nueva Ecija, bumaba dahil sa Lambat-Sibat Anti-Crime Campaign, ayon kay PNP Provincial Director Manuel Cornel

     Buong pagmamalaking inihayag ni PNP Provincial Director Senior Superintendent Manuel Cornel sa ginanap na Mass Oath-taking Ceremony ng Lambat-Sibat Volunteer Program, na bumaba sa dalawamput tatlo ang bilang ng krimen na naitala simula Disyembre 27 noong nakaraang taon hanggang Enero 24 ng taong kasalukuyan.

     Ayon kay Senior Superintendent Cornel, mula ng mailunsad noong Marso 3, 2015 ang Lambat-Sibat sa Region III ay bumaba sa 46 ang dating 60 average crime incidents na naitatala kada linggo at mas napababa pa sa nakaraang isang buwan.

     Dagdag ni Cornel, isang malaking hamon para sa kapulisan at Lambat-Sibat Volunteers ang linisin ang imahe ng Lalawigan bilang isang delikadong probinsya, na unti-unting magagawa sa kanilang pagsasanib pwersa.

 Pagsasanib pwersa ng libo-libong Volunteers at ng Kapulisan para sa lalong ikatatagumpay ng paglulunsad ng Lambat-Sibat Anti-Crime Campaign sa Lalawigan ng Nueva Ecija.

Pagsasanib pwersa ng libo-libong Volunteers at ng Kapulisan para sa lalong ikatatagumpay ng paglulunsad ng Lambat-Sibat Anti-Crime Campaign sa Lalawigan ng Nueva Ecija.

     Nagpahayag naman ng labis na katuwaan si PNP Regional Director Police Chief Superintendent Rudy Lacadin sa pagbaba ng crime incidents sa Lalawigan at sa pagtugon ng mga Novo Ecijano sa tawag ng tungkulin bilang mga responsableng mamamayan.

     Nanumpa sa katungkulan ang libo-libong Lambat-Sibat Volunteers na magiging katuwang ng PNP sa pagtataguyod ng katahimikan sa Lalawigan sa harap ni Police Director Generoso Cerbo Jr ng PNP National Head Quarters.

Ayon kay Governor Aurelio Matias Umali, ang sinumpaang katungkulan ng mga volunteers ay may kaakibat na malaking responsibilidad para sa katahimikan at kapayapaan na tanging maipamamana sa mga susunod na henerasyon.

 Pinuri nina PNP Regional Director Police Chief Superintendent Rudy Lacadin, Nueva Ecija Governor Aurelio Matias Umali at Police Director Generoso Cerbo Jr ng PNP National Head Quarters, ang pagtugon ng mga Novo Ecijano sa tawag ng tungkulin sa Lambat-Sibat Anti-Crime Campaign sa Lalawigan, sa pamumuno ni PNP Provincial Director Senior Superintendent Manuel Cornel.

     Dagdag ng Gobernador, ang kasaysayan ng Nueva Ecija ay nasusulat sa karahasan ngunit unti-unti na itong pinapalitan ng pagkakaisa ng mga Novo Ecijanong sumisigaw ng kapayapaan at katahimikan.

Pinuri ni Gov. Oyie ang kagalingan at kagitingan ng kapulisan dahil sa matagumpay na paglulunsad ng Lambat-Sibat sa probinsya, maging sa agarang pagkamit ng hustisya sa pinaslang na  judge sa Region III, dahil dito, pinagkalooban ng isang P1 milyong pisong pabuya ng Gobernador ang kapulisan.