P1-B pondo ng BUB, ilalaan sa Central Luzon

     Mahigit sa Isang bilyong piso ang inilaang pondo ng gobyerno para sa programang BUB o Bottom-Up Budgetting sa Region III, ngayong taon. Ito ang inihayag ni Deparment of Budget Secretary Florencio Abad sa isinagawang pressconference sa pagbisita niya sa Nueva Ecija.

     Tinukoy ni Abad na bahagi ng Isang bilyong pisong pondo, ang alokasyon ng P58.5 M para sa nakahanay na limang malalaking proyekto sa Rehiyon. Kabilang na ang pagsesemento ng mga kalsada sa Concepcion, Tarlac; flood control sa Maria Aurora, Aurora; water supply sa San Manuel, Tarlac; pagtatayo ng evacuation center sa Obando, Bulacan at pagpapagawa ng farm-to-market road sa bayan ng Talugtug, Nueva Ecija.

     Nagkakahalaga ng P1.95 billion ang kabuuang pondo ngayon taon, para sa pagsasakatuparan ng 1,342 proyekto na isasagawa sa 130 munisipalidad at siyudad sa rehiyon.

     Dagdag ni Abad, nagkakahalaga ng Isang milyong piso ang matatanggap na subsadiya ng bawat barangay para sa pagpapaunlad ng kanilang barangay at mga nasasakupan.

     Taun-taon, 14,000 barangay ang popondohan ng National Government hanggang sa masakop ang mahigit sa apat na pu’t dalawang libong barangay sa buong bansa.

     Ang Region IIIi ay binubuo ng mga probinsiya ng Nueva Ecija, Tarlac, Aurora, Bataan, Bulacan, Pampanga at Zambales. -Ulat ni Danira Gabriel