2nd Cycle ng KC-NCDDP, sinimulan na sa Bayan ng Gen. Mamerto Natividad

     Isinagawa na sa Bayan ng Gen. Mamerto Natividad ang Municipal Orientation bilang unang bahagi ng pagsisimula ng ikalawang cycle ng KALAHI-CIDDS National Community Driven Development Program ng DSWD, kung saan nagkaroon din ng Memoramdum Of Agreement o MOA Signing sa pagitan ng Ahensya at Lokal na Pamahalaan ng naturang bayan, kasabay ng commitment signing ng mga community volunteers.

Sinimulan na sa Bayan ng Gen. Mamerto Natividad ang 2nd Cycle ng KC-NCDDP kung saan nagkaroon ng Memorandum of Agreement Signing sa pagitan nina Mayor Areli Grace Santos at Assistant Regional Director for Administration Irene C. Crespo.

Sinimulan na sa Bayan ng Gen. Mamerto Natividad ang 2nd Cycle ng KC-NCDDP kung saan nagkaroon ng Memorandum of Agreement Signing sa pagitan nina Mayor Areli Grace Santos at Assistant Regional Director for Administration Irene C. Crespo.

     Isa ang Bayan ng Gen. Mamerto Natividad sa tatlong bayan na naging benepisyaryo ng KALAHI-CIDDS PROGRAM ng DSWD, layon nito na tumulong sa mga mahihirap na munisipyo sa pamamagitan ng pagbibigay ng pondo para sa mga proyektong makatutulong sa pagpapaunlad ng komunidad, katuwang ang taong-bayan.

Isa-isang pumirma ang mga community volunteers sa Commitment board bilang patunay ng kanilang taos-puso at malayang pagsuporta sa KALAHI-CIDDS Program ng DSWD sa kanilang komunidad.

Isa-isang pumirma ang mga community volunteers sa Commitment board bilang patunay ng kanilang taos-puso at malayang pagsuporta sa KALAHI-CIDDS Program ng DSWD sa kanilang komunidad.

      Labing apat na sub-projects ang naaprobahan sa naturang bayan sa unang cycle ng programa, at ngayong taon ay maaari nanamang mapondohan ang mga proyekto na makatutugon sa kanilang problemang pang-komunidad.

     Hindi man nagawang tapusin ng Gen. Mamerto Natividad ang 14 sub-projects na naaprobahan ng Ahensya noong unang cycle ay inaasahan naman itong matatapos sa buwan ng Marso.

     Naglaan ang Tanggapan ng 37 milyong piso sa unang cycle ng programa, at para sa ikalawang cycle ngayong taon ay nilaanan ito ng 38 million pesos, na ibabahagi sa tatlong bayan.

     Ayon kay Regional Community Development Specialist Jacqueline Calimlim, inaasahan sa cycle 2 ang mas maayos at mas madaling proseso ng implementasyon ng programa sa bawat komunidad.

     Buo ang naging suporta ng Pamahalaang Lokal ng Bayan ng Gen. Mamerto Natividad sa programa na naglaan ng pondo bilang counterpart ng kanilang munisipalidad.

     Ayon kay Mayor Areli Santos, maluwag silang nakakakilos at nakakasuporta sa programa sa pamamagitan ng kanilang 20% Development Fund, dahil walang anumang pagkakautang ang kanilang bayan.

      Ilan sa mga proyektong hindi maaaring sakupin ng KC-NCDDP ay ang pagpapatayo ng simbahan, Barangay Hall o anumang Government Offices, irrigations, field trip o anumang proyekto na government funded o napondohan na ng gobyerno.

     Samantala, sinimulan na rin sa Bayan ng Quezon at Talugtug ang 2nd cycle ng naturang programa. -Ulat ni Shane Tolentino

Ano'ng Tingin Mo?

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s