MGA PARI NG DIYOSESIS NG CABANATUAN, NAKIPAGTAGISAN NG GALING SA LARANGAN NG BASKETBALL SA MGA ARTISTA

Game na game na nakipagbasketball ang mga pari ng diyosesis ng cabanatuan sa mga artista na nagmula pa ng maynila sa ginanap na basketball for a cause bilang pagdiriwang ng araw ng bokasyon noong january 8.

Ayon kay rev. Fr. Jose elmer mangalinao, kasalukuyang presidente ng college of the immaculate conception, ang araw na ito ay para sa mga nagnanais na magbokasyon at dinigin ang tawag ng paglilingkod.

Idinaos ang palaro ng pari vs. Artista sa araullo university gym. Ilan sa mga artistang nakilahok ay sina carl guevarra, june macasaet, rocco nacino at rayver cruz. Ayon sa kanila ay naging masaya at exciting ang kanilang karanasan dito sa lalawigan lalo na at mainit ang naging pagtanggap sa kanila ng mga novo ecijano.

kinilig naman ang mga estudyante dahil sa naggugwapuhang artista na nakita nila ng malapitan.

Bago tumulak sa araullo ay pinasaya muna ng team artista ang mga estudyante ng cic nang makipaglaro sila sa mga empleyado at mag aaral nito na dinagdagan pa ng gimik ni wally waley.

Ito ang unang beses na nagkaroon ng ganitong palaro dito sa lalawigan at inaasahan na masusundan pa ito dahil sa pagiging matagumpay na aktibidad.

Sa huli ay nag iwan ng mensahe ang mga pari at artista para sa mga kabataan dito sa lalalwigan. -Ulat ni Jerosa Dizon