Muntinlupa City, nagbigay ng financial assistance sa bayan ng Jaen, Nueva Ecija

     Nakatanggap ng P1-M financial assistance ang bayan ng Jaen, Nueva Ecija, mula sa Local Government Unit ng Muntinlupa City bilang tulong sa mga lugar na sinalanta ng Bagyong Lando.

     Ang “adopt-a-town” scheme, ay programa ng mMDA o Metro Manila Development Authority, kung saan ang bawat Metro Manila Mayor ay pipili ng mga kakalingain na bayan o siyudad na labis na sinalanta ng mga nagdaang bagyo.

     Masuwerteng napili ng lokal na pamahalaan ng Muntinlupa City ang bayan ng Jaen, sa pagbibigay ng financial assistance sa mga lugar na labis na naapektuhan ng Bagyong Lando at Nona.

TANIMAN NG CALAMANSI SA BAYAN NG JAEN NA NALUBOG SA TUBIG BAHA NA DALA NG BAGYONG NONA.

TANIMAN NG CALAMANSI SA BAYAN NG JAEN NA NALUBOG SA TUBIG BAHA NA DALA NG BAGYONG NONA.

     Itinuturing na isa ang Jaen sa catch basin o saluhan ng mga tubig baha na mula sa mga mataas na bayan at siyudad ng probinsiya.

     Ayon kay Mayor Santi Austria, mapupunta ang pondo para sa mga mag gugulay na nawalan ng kabuhayan dahil sa mga nagdaang bagyo.

     Dagdag ni Austria, bukod sa Muntinlupa City, nagpapasalamat siya sa Department of Agriculture, United Nations at National Government na nagbigay ng mga libreng binhi at pataba sa mga magsasaka, upang muling makabangon at makabawi sa pagkalugi ng kanilang kabuhayan. -Ulat ni Danira Gabriel

Ano'ng Tingin Mo?

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s