Nakasakong lalaki na biktima ng torture, itinapon sa hi-way; Naaagnas na bangkay ng lolo, natagpuan sa loob ng sariling silid

Isinilid sa dalawang sako ang katawan ng isang lalaking biktima ng torture at tsaka itinapon sa Sitio Batsing, Brgy. Capintalan, Carranglan.

Isinilid sa dalawang sako ang katawan ng isang lalaking biktima ng torture at tsaka itinapon sa Sitio Batsing, Brgy. Capintalan, Carranglan.

     Itinapon sa kahabaan ng National Highway ng Kilometer 207, Sitio Batsing, barangay Capintalan, sa bayan ng Carranglan ang nakasakong lalaki na biktima ng torture.

     Hanggang sa isinusulat ang balitang ito ay inaalam pa ng mga otoridad ang pagkakakilanlan sa biktima.

     Base sa imbestigasyon ng Carranglan Police Station, nakita nang napadaan na tindera ng kakanin ang bangkay ng isang lalaki na nakasilid sa sako.

     Ikinuwento ng tindera sa isa pang dumaraan sa lugar ang nadiskubreng patay hanggang sa makaabot ito sa hepe ng tanod ng Capitalan na si Armando Velasquez at kaagad na iniulat sa mga pulis.

     Napag-alaman sa pagsisiyasat ng otoridad na naaagnas na ang lalaking pinagkasya sa dalawang sako ang itaas at ibabang katawan.

Naniniwala si Antonio Magat na namatay sa sakit ang kanyang 65-anyos na amang si Benjamin Magat na natagpuang patay sa loob ng kwarto.

Naniniwala si Antonio Magat na namatay sa sakit ang kanyang 65-anyos na amang si Benjamin Magat na natagpuang patay sa loob ng kwarto.

     May mga palatandaan sa iba’t ibang bahagi ng katawan na pinahirapan ang lalaki na may cable string wire na nakapulupot sa leeg.

     Pansamantalang inilagak sa St. James Funeral Homes sa barangay R.A Padilla sa Carranglan ang mga labi ng biktima.

     San Antonio- wala umanong senyales na pinasok sa kanyang tahanan ang isang lolo na natagpuang patay sa loob ng kanyang sariling silid sa Purok kwatro, barangay Maugat .

     Kinilala ang biktimang si Benjamin Magat y Medina, 65-anyos, balo, residente ng naturang lugar.

     Batay sa ulat ng pulisya, 2:00 ng hapon nang madiskubre ang wala ng buhay na biktima na nakahiga sa kwarto.

   Ayon sa salaysay ng anak ng biktima na si Antonio Magat, may high blood pressure ang kanyang ama na naninirahang mag-isa sa kanyang bahay.

    Sa pagkakaalam ni Antonio ay regular namang nakakainom ng gamot ang kanyang tatay.- ulat ni Clariza de Guzman.

Ano'ng Tingin Mo?

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s